TMCSE Chapter 22
Future
Nagsimula na kaming magkwentuhan matapos kumain at habang hinihintay ang dessert at karagdagang beers. Pinag-aagawan nina Stacy, Addie, Roxy, Kit at Cess ang mga dress na sinuot ko kanina. Anila, gusto raw nilang maisuot yun at magpapicture.
"Ate Mads, let me wear the pastel orange dress that Por wore during the Spring collection part of the event. Please?" makaawa ni Kit.
"Di bagay sayo Katherine Reese." kumento ng kapatid na si Kyle habang umiinom sa huling beer na natira.
"Whatever, Kyle Justine." irap niya. Nagbalik siya ng tingin kay Ate Mads at umarte pang nagmamakaawa.
"Why do you want to wear it ba?" tanong naman ni Ate Mads.
"I just fell in love with the dress ate. You know I love the color orange kaya yun. Please?"
"Oh alright. You can all go to my boutique tomorrow and try on my dresses." sabi ni Ate Mads. Nagtilian naman ang mga pinsan nila.
"Oo nga pala. Change topic." biglang putol ni Stacy sa kasiyahan nila. Tumingin siya sa akin habang pinaglalaruan ang iniinom niyang juice. "Por, sabi ni Pons a while ago, hot daw yung brother ng organizer ng event?" tanong niya.
Biglang kumalabog ang puso ko sa tanong niya. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya at kahit hindi nila sabihin ang pangaln nito ay nagdulot agad iyon sa akin ng matinding kaba.
"Yeah. Pons even rated him an 11. Sooooo... Have you met him?" tanong naman sa akin ni Roxy.
Lahat ng mata nila ay sa akin nakatuon. Maliban sa mga lalaki na busy naman sa pagkkwentuhan sa kabilang table. Humiwalay kasi sila dahil may mga sinerve na sa amin na beer at nag-umpisa na silang mag-inuman.
"Hm. Yes I've met him. He was at the rehearsals from the very start and pinakilala rin siya sa akin ni Burn. Yung co-organizer and coach namin sa ramp modeling." sabi ko.
"Omg!" sabay-sabay na sabi nila saka nagsilapit sa akin.
"Is he that sizzling hot?!" tanong ng kinikilig na si Addie.
"Tell us the truth! Di natin ipapaalam kay Alas." sabi naman ni Cess.
"Hm. Sakto lang." sabi ko saka tumingin sa gawi nila Alas. Abala sila sa pagtatawanan pero nahagip ko ang titig sa akin ni Alas.
"Biased ka! Di naman maririnig ni Alas eh." pangungulit naman ni Stacy sa akin.
"Uhm... I don't know really. I heard na playboy daw siya. He treats girls as if they're toys na kapag di na siya natutuwa ay itatapon na niya."
"Weh. Kanino mo naman narinig yan?" pagtataka ni Roxy.
"His sister, Macy told me that. Kaya ano... Uhm... Kaya sabi niya wag daw makipagkilala dun." sabi ko.
"Naah. Of course sasabihin niya yun kasi kapatid niya. Parang ako. I tend to ruin Ezra's life kapag may mga babaeng umaaligid sa kanila para maturn off. Hahaha." kwento ni Cess.
"Yeah. Siblings do that." sabi naman ni Roxy. "I always do that to Errol too."
"I don't know. Pero di rin naman ako nakikipag-usap dun kay Lance." sabi ko.
"But you really think he's hot? As in 11 hot?!" tanong ni Kit. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila.
*****
"Hey, you guys enjoy your Huma trip tomorrow okay?" sabi ni Ate Mads. Pasakay na sila sa van ni Kyle nun at kami naman ni Alas ay sa kotse niya.
"We will, ate!" sabi ni Alas saka na siya kumaway sa mga pinsan niya. Kumaway na rin ako at nagpaalam na sa kanila sa na ako sumakay ng kotse niya.