Chapter 5

934 17 0
                                    

TMCSE Chapter 5

Kabadong-kabado ako nang nilapitan ko kanina si Por. Baka kasi hindi naman siya pumayag sa hiling ko. Siya na lang ang naiisip kong paraan para mas lalong mapalapit kay Fia.

"Bridge? As in tutulungan kita sa kaibigan ko?" she asked. Tumango naman ako at ngumiti.

"Oo. Sige na please?" sabi ko. Desperado na nga ata ako. Hindi ko na kaya mag-isa. I need someone's help.

"Eh. Di naman ako magaling sa ganyan-ganyan." aniya sabay kamot pa sa ulo niya. "Si Pons na lang." dagdag niya pa.

"Eh ikaw kaya ang bestfriend. Please, baby?" alam ko di na makakatanggi sa akin si Por. Alam naman kasi niyang desperado na ko kapag tinatawag ko na siyang 'baby' eh.

Bumuntong hininga siya saka ako tinignan ng masama.

"Fia doesn't like it kapag sunod ka nang sunod sa kanya. Ayaw niya ng binibigyan siya ng kahit anong matamis. She likes flowers, yes pero pili lang yung flowers na gusto niya. I don't know what exactly is her favorite flower but try Calla Lily or Tulips. Yun ang usual na binibigay sa kanya ng suitors niya before." tuluy-tuloy na sabi niya. Bigla ko siyang niyakap sa sobrang tuwa.

"Thanks, Por! The best ka talaga." sabi ko.

"Psh. Kung di lang kita kaibigan ewan ko na lang." umirap siya saken.

"Pero teka. Nasa island tayo eh. Paano ko ba siya susuyuin dito?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya.

"Basta kausapin mo lang siya nang kausapin. Wag ka magpapaimpress kasi tingin niya sa mga ganun mayayabang. And don't try to pull tricks on her. Ayaw na ayaw ni Fia na pinagttripan siya."

"Okay. Got it! Thanks, Por!" sabi ko saka na ako tumayo para puntahan sila Kyle na naglalaro ng cards sa may bonfire.

Tumabi ako kay Bam na abala sa pag-iisip ng itatapon niyang card sa gitna ng bilog. Silang mga lalaki ang naglalaro.

"Sali ako." sabi ko.

"Teka dude. After ng round na to." sabi naman ni Bry. "Putek. Talo nanaman ata ako ah." aniya pa.

"Bry bilis!" sabi ni Bam sa kanya. Nakita ko ang cards ni Bam at ni Bry. Oo nga. Mukhang talo nanaman ang kumag na to.

"Oh." nagbaba siya ng cards at natawa naman si Bam.

"Tong-its!" aniya at saka nilapag lahat ng cards. "Pano ba yan. Panalo nanaman ako." sabi niya sabay kuha ng pera sa gitna ng bilog.

"Anak ng! Malas mong magbalasa, Kyle!" sigaw ni Wacks.

"Bakit ako?!" nag-asaran na sila at nakitawa na lang naman ako.

"Teka. Dude samahan mo ko." sabi ni Parker tsaka na ko hinatak paalis sa grupo.

"Ano?" tanong ko nang makalayo na kami.

"Nakita kita kanina. Kausap mo si Por. Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya.

"Ha? Ano. Kasi nagpatulong ako sa kanya eh."

"Bakit?"

"Nagpatulong akong maging bridge namin siya ni Fia." sabi ko. Binatukan niya ko ng malakas. "ARAY!"

"Bobo mo!" sabi niya. "Di mo ba alam ibig sabihin ng ginagawa mo? Ha?!"

"Bakit ba? Eh dude, desperado na ko."

"Oh you're desperate alright. But you don't have to ask for her help. Alam mo kung bakit? Kasi hindi naman lahat ng may tulay, nagkakatuluyan. 90% of that ay nagiging baliktad. Nahuhulog yung nagpapatulong sa tumutulong." ani Parker.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon