Chapter 11

918 18 5
                                    

TMCSE Chapter 11

Nagseselos

Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Por ay hindi na uli kami nagkausap pa. Sa tuwing nakakasalubong ko siya sa hallway ay nag-iiwas siya ng tingin o kaya naman ay mag-iiba ng dadaanan. I tried approaching her pero ang hirap dahil palagi niyang kasama si Parker.

Hindi ko nga alam bakit ako nagsabi sa kanyang nagseselos ako eh. I shouldn't be jealous right? Tama naman siya. Hindi naman kami. At wala rin naman akong karapatan para higpitan ko siya sa mga gusto niya. 

"Alam mo, hindi mo naman kasalanan kung magselos ka eh. That's normal for a guy who loves a girl." sabi ni Ate Mads nang magkausap kami minsan isang gabi.

"Ate..."

"Whatever, Alas. Kahit ilang beses mong ipaglaban sa akin na wala kang gusto kay Portia, ay hindi mo ako makukumbinse." aniya. Umupo siya sa kama ko at saka ako pinanuod sa paglalaro ng xbox.

"I'm courting Sofia. So what made you think na si Portia nga ang gusto ko?" tanong ko.

"Let's just say na action speaks louder than words." kumindat siya sa akin.

"Ts."

"You're not even gonna ask me how I knew it?" tanong niya.

Wala akong magawa. Once Ate Mads started asking me questions, hindi siya titigil hangga't di niya nakukuha ang gusto niyang sagot.

I paused the video game at saka ako tumingin sa kanya.

"Okay. How?" sabi ko.

"Well, you act differently when it comes to Portia. Yes, you keep on saying na gusto mo si Sofia, but! There's an emphasis to the word 'but'. But you are over reacting when it comes to Portia. Konting kibo niya ay nagrereact ka. Lalo na kapag may bumabakod sa kanyang ibang lalaki. Pinalagpas kita last time nung nasa studio. You told me na hindi mo alam why you are acting like that. Pero sa kilos mo halatang-halatang nagseselos ka." sabi niya. "So tell me. Wala ka pa bang gusto kay Portia sa lagay na yan?" tanong niya.

Matagal akong hindi sumagot sa kanya. Ang tagal bago nagsink in sa akin lahat ng sinabi niya.

"Ate?" untag ko.

"Hm?"

"You really think I like Portia like that? I mean, to the point na maiinlove ako sa kanya?" tanong ko.

"You really wanna know the answer to that?" tumango ako. Ngumiti siya sa akin saka pa ginulo ang buhok. "Hindi ka naman siguro magddoubt ng ganyan kung hindi mo siya gusto diba?"

"Pero..."

"Dork, you're in love with her. Maybe you haven't realized it yet but you are." at saka na siya umalis ng kwarto ko.

*****

"Hey." paglingon ko ay nakatayo na si Fia sa tabi ko at nakangiti sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya.

"No. Kadarating ko lang." sabi ko.

Andito ako sa kanila ngayon. Sinundo ko siya dahil opening ng bagong boutique ni ate at syempre gusto ko namang isama si Fia. Mahabang diskusyon pa ang nangyari sa amin ni ate kanina. Simula kasi nung nag-usap kami, araw ng photoshoot ni Por at nung gabing nasa kwarto ko siya, ay mas lalo niyang iginigiit sa akin na wag ko na daw ituloy ang panliligaw ko kay Fia lalo na at halata namang nalilito ako sa sitwasyon ngayon.

"Tara?" ngumiti ako sa kanya saka naglahad ng kamay.

"Okay." sabi niya saka na hinawakan ang kamay ko.

Tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Tanging ang tugtog lang sa radyo ang maririnig at ang ugong ng makina. Aside from that? Wala na.

"Uhm... Oo nga pala. I'll be leaving tomorrow." aniya. Nakahinto kami ngayon dahil traffic kaya napatingin ako sa kanya.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon