TMCSE Chapter 27
Long Distance
Mula nung araw na yun sa restaurant ay hindi ko na uli nakausap pa si Por. Naging busy na sila ni Ate Mads sa meetings kasama ang ibang designers at ibang clothing companies na gustong i-collaborate ang design ni ate at gawing model at endorser nun si Por. Ni hindi na nga natuloy ang dapat sanang date namin eh. Pero wala naman akong magawa. Ilap din naman siya sa akin ngayon. Hay. Kasalanan ko to eh. Napakaraming pagkakataon ang pinalagpas ko para lang maamin kay Fia ang totoo. Tapos ngayon nahihirapan ako.
"Chase, samahan mo naman ako please? I really need to go to this event." nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Fia.
Oo. Magkasama nanaman kami. Palagi siyang tumatawag sa akin na samahan siya dito, samahan siya doon. Hindi ko rin naman alam kung bakit di ko magawang tumanggi sa kanya.
"Uhm. Ano kasi eh. I have to go to Ate Mads. May inuutos kasi siya sa akin." palusot ko.
"Huh? Can you do that later na lang? I'm sure naman mauutusan ni Ate Mads yung boyfriend ni Por if ever kasama nila diba? I just really need to attend this event."
'Ako kasi yung boyfriend ni Por. Pero I'm here with you. At nagkakalabuan kami ng girlfriend ko dahil sa kagaguhan ko rin.' sabi ko sa isip ko.
"Ano? Tara na!" hindi na niya hinintay ang sagot ko at hinatak na ako paalis sa coffee shop. "It's in The Fort. Saglit lang naman tayo dun." sabi niya pagkasakay sa kotse.
Suminghap ako saka na lang nagmaneho papunta dun. Nagulat ako nang pahintuin niya ako sa labas ng Draft.
"Bakit nandito tayo? Akala ko ba may pupuntahan kang event?" tanong ko.
"Yeah! It's my friend's 22nd birthday and I'm invited. So halika na!" nakabungisngis na sabi niya. Lumabas na siya ng kotse at patakbong nagpunta sa entrance. "Chase!!" tawag niya sa akin.
Palihim na lang akong umiling saka ko na ini-off ang makina at sumunod sa kanya.
"I'm Sofia. I'm Clara's friend." aniya sa bouncer na nasa may pinto.
"Uh-huh." tango nito at saka pa tumingin sa akin.
"He's my date." sabi niya sabay hawak sa braso ko.
Tumango na uli ang bouncer saka na kami pinapasok.
Maingay sa loob ng club. Puro usok pa at amoy usok rin ng sigarilyo sa buong club. Hindi na nga masyadong makita ang daanan dahil bukod sa usok ay napakadilim din dito.
"Sofiaaaaaaaaaa!!!" narinig kong tilian ng mga babae sa isang banda ng club.
Agad kaming napalingon dun at tumakbo naman si Fia palapit sa kanila.
"Oh my gosh Claraaaaaaaaa!" matinis na sabi niya. "Happy happy birthday dear!" bati niya rito.
"Thanks hun!" sambit naman ng kaibigan niyang si Clara. Agad namang napalingon sa akin ang mga kaibigan niya at nginuso pa ko ng isa.
"Oh yeah. By the way girl. This is Chase." sabi niya sabay hila sa akin palapit. "Chase, sweetie, these are: Clara, Emma, Sabina and Fritz."
"Hi girls. Happy Birthday, Clara." bati ko.
"Is he your boyfriend, hun?" tanong nung kaibigan niyang pula ang buhok.
'No. I'm her bestfriend's boyfriend.' sagot ko sa isip ko.
"Not yet girls. But soon." nakangiting sabi niya saka pa siya tumingin sa akin.
"Bakit soon pa?" tanong naman nung maikling buhok na si Fritz ata.