A/N:
And I have no idea why this chapter is restricted. Hahaha. Anyways, comment/vote/suggest anything people. Thanks!
♥DERPHERP
TMCSE Chapter 18
Pikon
Andito kami sa Pure Harmony, bagong open na nail and spa sa San Juan. May promo daw kasing free foot spa kapag nag-avail ng mani-pedi service nila.
"How's Alas as a boyfriend? Sobrang clingy ba talaga?" tanong sa akin ni Kit. Nagtawanan silang magpipinsan habang hinihintay ang sagot.
"Haha. Clingy but in a cute way. Mawala ka lang saglit sa paningin akala mo 10 years kang di nakita." sabi ko. Tumawa pa sila lalo at iiling-iling naman si Ate Mads.
"Pero sweet naman ba?" tanong naman ni Cess. "Coz he's like one of the cold-blooded beasts sa boys. Haha."
"Oo nga. Parang si Park yan eh. Sobrang insensitive na akala mo robot." dagdag naman ni Addie.
"Believe it or not, sweet naman siya. Feeling ko nga lalanggamin na ko sa kanya eh. Hahaha. Maalaga din." sabi ko naman.
"That's good to hear." sabi ni Ate Mads.
"I still can't believe na kayo na. I mean, diba kasi nga? Patay na patay kay Sofia yan so akala talaga namin walang chance na maging kayo." sabi ni Roxy.
"Yeah. Sa Anawangin kasi puro si Fia. Then when we asked him kung Fia pa ba nung bagong dating siya sabi niya oo. Though he also said na nakamove on na siya." sabi naman ni Stace.
"Haha. Sa LA pa lang mahal na ng kapatid ko si Por. Though in denial pa siya coz he's still into Sofia. Pero matagal na niyang mahal si Por." sabi ni Ate Mads. Tumingin silang magpipinsan sa kanya.
"Oh my gosh! Make kwento ate!" sabi ni Kit sabay inalog-alog pa si Ate Mads.
"Come on Ate Mads. Kwento!" pamimilit sa kanya ng mga pinsan.
"Alright! Alright!" ani Ate Mads saka umupo ng maayos. "Ganito kasi yan, when Alas came to LA halata mo sa kanya how homesick he was. Pero his reasons were always because namimiss kayo and stuff. Then all his storie were always about your bonding and most of it involves Portia. Bidang-bida si Por. He would tell me na, yung pool nila Por namimiss na niya coz you guys always go there kapag weekends. Yung niluluto ni Manang Cora kapag andun kayo. Basta most of it involves Por. Then one time kilig na kilig yang mokong na yan. I asked him why. Sabi niya si Por daw kasi nangungulit na umuwi na siya. Tapos..."
"Wait wait! So it means, his 2 years of stay in LA, he's already in love with Por?! Pero bakit sabi niya si Fia pa din?" nagtatakang tanong ni Roxy.
"He liked the chase. Nahihirapan kasi siya kay Fia. And you know that dork. Kailangan makuha niya ang gusto niya." sagot ni Ate Mads. Tumingin silang lahat sa akin.
"How did you fell in love with him?" tanong sa akin ni Stace.
Nagkibit-balikat ako saka ngumiti.
"There's no reason for that. Nagulat na lang ako one day na siya na yung unang nasa isip ko and he's the last person on my mind before I sleep." sabi ko.
"But he likes Fia and alam mo yun. Natiis mo yun?" tanong ni Kit.
"Tiniis ko. Ayoko din naman kasing masira ang friendship namin ni Fia."
"But it's a good thing na nagkaaminan na right? Coz if it didn't happen, parehas kayong hindi masaya." sabi naman ni Cess. Ngumiti ako at tumango.
"And I'm glad na nauntog na ang kapatid ko." nakangiting sabi ni Ate Mads. "Dahil kung hindi pa siya nauntog, baka mawala si Por sa kanya at mahihirapan na siyang makuha uli si Por."