Chapter 3

971 17 1
                                    

TMCSE Chapter 3

Mads

"Alas!" narinig kong sigaw ni Bam. Tumingin ako sa kanya.

"Ha?" tumawa siya tsaka ako tinignan ng nakakaasar.

"Tulala lang dude? Hahaha."

"Tss." umiling ako at nagbalik ng tingin sa malawak na garden ni lola.

Maaga pa at kaming dalawa pa lang ni Bam ang gising. Ewan ko ba. Kahit madami kaming nainom kagabi ay napaaga pa rin ang gising namin. Andito kami sa veranda at nagpapalipas ng hangover.

"Anong nangyari kagabi?" tanong niya sa akin.

"Ha? Magkakasama naman tayo kagabi. Anong tanong yan, Abraham?" biro ko. Alam ko naman kasi kung anong ibig niyang sabihin eh.

"Gago ka ha. Anong nangyari sa inyo ni Sofia." aniya. Napapalatak ako at napailing.

"Wala dude." sabi ko.

"Huh? What do you mean?"

"Wala. As in walang nangyari. Hindi kami nag-usap. Awkward silence." sabi ko.

"Bakit?"

"Ayaw naman kasi talaga niya sa akin. It's like I keep pushing myself to her. Pilit kong sinisiksik yung sarili ko when it's pretty obvious that she's not interested in me."

Natahimik siya at saka na lang uminom sa coffee mug niya.

"Alam mo, I think pakipot lang si Fia eh. Baka it's her way para matest kung gaano ka katiyaga sa kanya."

"Naah. I think she's really not interested."

"Ts. Nonsense. Obvious naman kasing nagpapakipot siya. Ano ka ba! When you walked up to them kagabi I saw how she panicked. Hindi siya magpapanic kung wala lang talaga yun sa kanya. Tsaka di naman siguro awkward kung walang feelings para sa isa't isa diba?" aniya.

"You really think so?" tanong ko.

"We know so." napalingon kami sa likod at nakita si Parker. Halatang bagong gising pero may dala na siyang mug ng kape. Nilapag niya iyon sa mesa at saka umupo sa tapat ko. "Dude, I think she's just doing that para malaman kung seryoso ka ba. Kasi you were gone for 2 years. Malamang iisipin niya na you're not really serious with her. Baka nagddoubt siya kaya ganun ang inasta niya." sabi niya.

"Kaya dude, sa Anawangin, kailangan maging close kayo ulit. You have to make her fall in love with you. Kailangan mong iparamdam sa kanya that you are serious with her." sabi ni Bam.

"Psst. Mga pogi, maligo na kayo. We're picking up Ate Mads in 3 hours." tawag sa amin ni Kit. Tumango na kaming tatlo at matapos uminom ng kape ay pumasok na kami para maghanda sa pagdating ni ate.

*****

"Grabe excited na ko sa Friday." sabi ni Stacy na aligaga sa likod ng coaster.

Lahat kaming magpipinsan ang sinabihang susundo kay Ate Mads. After din kasi namin sa airport ay pupunta muna kami sa Subic para icheck ang bahay dun at pagkatapos ay sa farm ni lolo. Andun na kasi ang mga parents namin para maghanda sa pagdating ni ate.

Pagdating sa airport ay naghintay kaming lahat sa may arrival area. Wala pa ang flight ni ate kaya naman naisipan na lang muna namin ni Ezra maghanap ng mangangata.

"Hay grabe. Ang sakit ng ulo ko." angal niya habang nakapila kami sa coffee shop dito sa airport.

"Haha. Inom pa kasi." asar ko. Tinignan niya ko ng masama tsaka ako mahinang sinuntok sa braso.

"Palibhasa ikaw nakascore ka kagabi eh. Kwento naman brad. Kayo na ba ni Fia?" tanong niya.

"Psh." sabi ko.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon