Chapter 6

925 15 1
                                    

A/N: Typos everywhere. Hahaha.

♥DERPHERP

TMCSE Chapter 6

Sakit

Kahit naman nasasaktan ako sa pinaggagagawa ko I still have to do it. Ito ang ikaliligaya ni Alas. Magiging masaya siya kapag naging sila na ni Fia. At ako? Bahala na. Baka may ibang nakalaan para sa akin.

"Tara laro tayong spin the bottle!" sabi ni Cess.

Last night na namin sa Anawangin. Bukas ay uuwi na kami pabalik ng Pampanga. Katatapos lang namin magswimming at naisipan namin na since last night naman na, mag-iinuman na lang kami at maghahappy-happy.

"Game!!" excited na sabi naman nila.

Umupo ako sa gitna nina Pons at Fia at saka na sumang-ayon sa larong gusto nilang magpipinsan.

"Game ha? Ako muna mag-iikot." ani Roxy tsaka na pinaikot ang bote.

Tawanan lang ang nangyari sa amin habang naglalaro. Ang kukulit kasi ng mga dare na pinapagawa nila. Bawal daw sa amin ang magsabi ng truth. Pang-KJ daw iyon kaya no choice kaming mga ayaw sa dare.

Si Ate Mads na ang mag-iikot ng bote. Lahat nakaabang kung kanino ito tatama. Umikot iyon ng mabilis hanggang sa bumagal nang bumagal at huminto sa akin.

"PORTIAAAAAAA!" sigaw ng mga kaibigan ko.

"Ate Mads, ayusin mo ha!" banta ko sa kanya.

"Oo naman, dear." aniya. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bigla siyang bumaling ng tingin kay Alas. Shit. May alam ba si ate?! Huminga siya ng malalim saka muling tumingin sa akin. "Dear, remember when we were on our way here?" she asked me.

Shit shit shit! May alam ba siya? Halata na ba ako?

"Uh. Yes ate. Ano pong meron?" I asked her back. Maang-maangan effect muna ako.

"Kasi diba I asked you kung may boyfriend ka. Sabi mo wala. Pero you also told me na you love someone although hindi ka sure kung mahal ka rin ba niya."

"Ate, truth yan eh! Dare dapat!" sabi naman ni Stacy.

"Teka kasi." sabi naman sa kanya ni Ate Mads. Tumingin uli siya sa akin. My gosh! I can feel their stares at me. Yung totoo?! Hotseat ang peg ko dito.

"Uhm. Oo ate. Naalala ko na. Hahaha." sabi ko.

"Okay. So my dare is, ikiss mo sa cheeks yung guy na sinasabi mong mahal mo." aniya.

"Woah!!! Sa aming magpipinsan ba yun Por?" tanong ni Kyle.

"Feeling ko ako yan." mahangin na sabi ni Wacks.

"Hangin pre! Nilipad ako oh!!" ani Errol sabay umarte na tinatangay ng hangin.

"Ah teka. Eh ate wala naman dito yun eh." palusot ko. Jusmiyo. Wag naman sana mahalatang palusot lang to.

"Ay pota. Wala pala saten eh. Ano? Ikaw pa Wacks? Ikaw pa?!" asar sa kanya ni Bry.

"Wala ba dito?" tanong ni Ate Mads. "Hm. Edi kiss mo na lang sa cheeks yung kamukha nung guy na tinutukoy mo." aniya pa.

Shit talaga. Di ako titigilan ni Ate Mads hangga't di niya nalalaman kung sino eh.

"Yung kamukha? Teka." sabi ko. Tinitigan ko bawat isa sa Lopez boys. Naghahanap ako ng pwede kong halikan sa pisngi pero kailangan hindi si Alas. Dahil paniguradong makukumpirma ni Ate Mads na andito yung lalaking sinasabi ko sa kanya.

Nakita kong sumesenyas sina Wacks, Bam, Bry, Errol at Kyle na sila ang halikan ko. Si Ezra naman ay tumatawa lang at nakikituro kahit sa kanino. Si Parker naman ay nakatingin lang sa akin samantalang si Alas ay abala sa pagnakaw ng tingin kay Fia.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon