TMCSE Chapter 8
Iwas
Nasa condo ako ngayon at nagpapahinga. Medyo napagod ako sa volleyball practice namin kanina kaya after nun ay agad akong umuwi.
Nakatulala ako sa kisame nang bigla kong maalala ang pag-uusap namin ni Alas kanina sa library...
FLASHBACK...
Tahimik akong nagbabasa ng libro sa library. Nakasuot ang earphones ko at mahina akong kumakanta habang binabasa ang Psychology book ko nang may biglang kumaway sa mukha ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Alas. Nakangiti siya sa akin. Akmang aalis na ako nang biglang hawakan niya ang braso ko.
"Wag mo kong hawakan." sabi ko. Agad naman niyang binitawan ang braso ko kaya humarap ako uli sa kanya. "Anong kailangan mo?"
"Por, I'm sorry." sabi niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. He looked hurt and alone.
"Wala na yun. Kalimutan na natin." sabi ko. Sa totoo lang ayoko na pag-usapan ang nangyari sa bar nung nakaraang linggo.
"Pero bakit mo ko iniiwasan?" tanong niya.
'Iniiwasan kita dahil mahal kita. Pero ayokong malaman mo dahil alam kong mahal mo ang kaibigan ko.' sabi ng utak ko. Huminga ako ng malalim saka ko siya sinagot.
"Ayoko lang maulit uli yun. My god, Alas. Magpipinsan kayo pero nag-aaway kayo dahil lang sa epekto ng alak sayo. Hindi ko alam kung anong problema mo pero please. Wag mo na akong idamay. I have my life. I did my part na tulungan ka kay Fia. Pero wag mo naman akong talian. Hindi naman tayo eh. Magkaibigan lang naman tayo diba? Kay Fia ka maghigpit. Wag sa akin."
Nasasaktan ako sa sarili kong mga salita. Magkaibigan lang kami pero sobra siyang maghigpit sa akin. At some point gusto ko iyon dahil kahit sa ganoong paraan man lang ay maramdaman kong may konting pagmamahal siya sa akin. Pero at the same time, ayoko rin. Dahil alam kong hindi naman niya ako talagang mahal.
"Pero ayokong mawala ka. Baby please." nababasag ang boses niyang sinabi sa akin. Lumambot ang puso ko. Gusto kong umiyak at gusto kong yakapin siya. Pero hindi dapat. Hindi dapat dahil walang kami.
"Hindi naman ako mawawala eh. I just have to get a life na malayo sa mundong nakasanayan natin."
'Nasanay na tayo sa isa't isa. Ayokong masaktan lalo dahil sa pagiging masokista ko.'
"Baby..." hinawakan niya uli ang kamay ko. Please, Alas. Let me go dahil kapag hindi mo ko hinayaan baka hindi na kita ibigay kay Sofia.
Matamlay akong ngumiti sa kanya. Nakita kong nangingilid na ang luha niya at ramdam ko ang sakit sa bawat himaymay ng kalamnan ko.
"Wag kang mag-alala. Bridge niyo pa rin ako ni Fia kahit na hindi tayo magkasama palagi. Yun naman ang dapat diba?" sabi ko. Bridge niyo pa rin ako kahit ang sakit-sakit na.
"Wag mo naman akong iwasan. Please?"
"Hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang marealize mo na hindi lahat ng tao ay sayo lang ang atensyon." hinawakan ko ang pisngi niya tsaka matamlay na ngumiti ulit habang pinupunasan ko ang luha niya. "We'll always be friends. Tandaan mo yan." sabi ko.
Agad akong naglakad palayo at nagdiretso ako sa comfort room. I locked myself inside. Ang hirap. Ang sikip sa dibdib. Ibinuhos ko lahat ng luha ko at hinayaan ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak. I have to let it all out. Hindi ko pwedeng kimkimin ito dahil baka ikamatay ko pa.
END OF FLASHBACK...
"Por?" nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Pons na nakatayo sa likod ng couch habang nakatingin sa akin.