TMCSE Chapter 9
Bakit?
"Uy. Tulala ka nanaman." nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin. Pag-angat ng tingin ko ay nakita ko si Sofia. She's wearing my favorite smile. Mukhang maganda ang gising.
"Ha? Wala may iniisip lang." sabi ko. Umupo siya sa tabi ko saka ako nginitian.
"I hope that it's me ha. Kasi kung iba yan, aawayin talaga kita." aniya. Natawa naman ako saka ko siya tinignan.
"Of course it's you. Sino pa ba ang iisipin ko kundi ikaw lang diba?"
"Good. Magseselos talaga ako kapag may ibang babaeng sumagi diyan sa utak mo." aniya habang nakatuon ang tingin sa malawak na field sa school.
"Magseselos ka?!" gulat na tanong ko.
"O bakit?"
"Edi maganda palang mag-isip ako ng iba para palagi kang nagseselos. Hahaha."
"Kasi naman eh!!" hinampas niya ako ng paulit-ulit.
"Hahaha. Just kidding. Masyado ka naman. Syempre hindi kita pagseselosin. Ako pa ba? Eh mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang andito." sabi ko sabay turo sa ulo at puso ko.
Nakita kong namula ang pisngi niya saka siya nag-iwas ng tingin. Napangiti ako. Sino bang mag-aakalang magiging ganito kami ni Fia ngayon? Eh dati kung sungitan niya ako akala mo napakalaki ng atraso ko sa kanya.
Tahimik kaming nakaupo sa bleachers nang makita niya ang mga pinsan ko.
"Uy! Sila Kit oh!" sabi niya. "KIT!!!" sigaw niya sa mga pinsan ko. Sabay-sabay namang napalingon sila Kit at saka kumaway sa amin. "Tara punta tayo sa kanila." anyaya niya saka na ako hinatak pababa.
Hinabol namin ang mga pinsan ko. Hindi naman sila masyadong malayo. Nagbagal pa nga sila ng lakad nang makita kaming papunta sa kanila.
"San kayo pupunta?" tanong ni Fia nang makalapit kami sa kanila.
"Pupunta kami sa photoshoot ni Por eh. Sama kayo? Manggugulo kami dun. Hahaha." natatawang sabi ni Stacy.
"Photoshoot niya para saan?" tanong ko.
Tinignan ako ng masama nina Addie. Oh. Ano nanaman bang ginawa ko?
"Photoshoot niya para sa designs ni Ate Mads. Hindi mo ba alam?" tanong sa akin ni Cess.
"Kaya nga nagtatanong diba? Kasi wala akong alam. Di naman ako kinakausap ni ate sa bahay eh. Masyado siyang busy." sagot ko.
"Well ngayon alam mo na. Nagyaya kasi si Parker na bisitahin yung shoot then after kasi sa shoot pupunta sa bar ni Pons." sabi ni Roxy.
"Ah okay. Asan sila Bam?" tanong ko. Di naman kasi nila kasama ang nga pinsan kong lalaki. Panigurado may ibang lalad ang mga iyon. Susunod na lang ako.
"Nandun na sa studio. Kanina pa nga sila tawag nang tawag eh. Ang bagal daw namin." sabi ni Addie.
Nasa studio din sila? Knowing my cousins, hindi mahilig ang mga iyon sa ganyan. Mas pipiliin pa namin ang basketball game or ang paglalaro ng xbox kaysa magpunta sa lugar na wala namang gagawin.
"Ano? Sasama ba kayo o hindi? Tsk. Tumatawag nanaman si Kyle." ani Roxy sabay sagot sa phone niya. "Ano? Oo papunta na nga. Eh itong sila Alas eh." aniya.
"Sige sasama kami." sabi ni Fia sabay hawak sa kamay ko. Lahat sila ay napatingin sa kamay namin at saka na lang naglakad palayo.
"Bilisan niyo!" tawag ni Stacy sa amin. Sumunod na kami ni Fia sa kanila. Sinundo sila ni Kyle gamit ang van namin samantalang kami ni Fia ay sumakay sa sarili kong kotse.