TMCSE Chapter 23
Fun
Pagkagising ko ay gabi na. Tinignan ko ang oras mula sa phone ko at nakitang alas otso y media na pala ng gabi. Bumangon ako at napansing wala si Por sa kwarto. Labas ako sa dock pero wala rin siya dun. Maglalakad na sana ako sa labas nang may makita akong papel na nadikit sa pinto.
I'M AT THE LIBRARY. I'LL WAIT FOR YOU. - P
Napangiti ako sa note niya kaya pinilas ko iyon mula sa pinto at saka na naglakad papunta sa library ng resort.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang couch na nakaharap sa kabilang side ng kwartong iyon. Nakaharap ang couch niya sa picture window na tanaw na tanaw ang kadiliman ng dagat. Tahimik lang ako lumapit sa kanya saka ko ipinakita ang note sa kanya.
"My bookwrom found her place again. I think I'm going to get jealous." sabi ko.
Halatang nagulat siya kaya naman isinara niya ang librong binabasa at hinubad ang malaki niyang salamin bago tumingin sa akin.
"You're up! Hi." bati niya. Ngumiti naman ako saka ko kinuha yung salamin sa kanya at isinuot iyon pabalik.
"Yes I'm up at maaabutan kitang babad sa libro. Nagseselos na talaga ako. May kaagaw pa rin pala ako sa attention mo kahit andito tayo sa resort." sabi ko.
"Haha. I'm sorry baby. Antagal mo kasing magising so I decided to go here first." sabi niya sa akin.
"Haha. I'm just kidding. What are you reading?" tanong ko saka sumilip sa librong hawak niya. "Architecture of Happiness?"
"Yeah. It's a good book." sabi niya sa akin sabay ngiti.
"I know it is. Ikaw pa? Di ka naman nagbabasa ng hindi maganda eh."
"Haha. Alam na alam ha?" sabi niya.
Pagkatapos naming magkwentuhan ay napagpasyahan na naming kumain ng dinner sa Tagahuma Restaurant. It's an Asian restaurant that serves different Asian cuisines. Ang sasarap ng pagkain. Tuwang-tuwa si Por sa mga inorder namin at naubos namin iyon.
"Grabe busog." sabi niya habang naglalakad-lakad kami sa dalampasigan.
"Haha. Ang dami mo ngang nakain eh. Baka tumaba ka niyan!" asar ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at tumingin ng masama sa akin.
"Bakit? Kapag tumaba ba ko papalitan mo na ko?!" nakasimangot siya nang sabihin iyon.
Napangiti naman ako tsaka ko siya niloko sa pamamagitan ng pagtango.
"Tss. Ganyan ka naman eh. Break na tayo!" sabi niya sabay lakad palayo.
"Por!" tawag ko habang natatawang hinahabol siya. "Uy. It was a joke okay? Hindi naman kaya kita kayang iwanan." sabi ko.
"Psh. Whatever."
"Uy. Wag na magtampo ang baby ko please? I was just joking. Osige na. Sorry na po. Kaya please wag ka na magtampo sa akin baby. Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Wag mo kong kausapin." sabi niya sabay lakad uli palayo.
Hinabol ko nanaman siya at nang maabutan siya ay agad ko siyang binuhat. Kalahati ng katawan niya ay nasa likod ko at yakap-yakap ko ang hita niya. Hinahampas-hampas niya ang likod ko habang pinipilit na magpumiglas.
"Put me down!" paulit-ulit na sigaw niya. "Alas ano ba!" sigaw niya ulit.
"No! Ibababa lang kita kapag di ka na nagtatampo sa akin." sabi ko naman at saka na nagdiretso sa villa namin.
"Hey! I said put me down!" sigaw niya pa rin. Binaba ko siya sa kama at mabilis na umakyat para pumaibabaw sa kanya.
"Bati na tayo. Please?" sabi ko sa kanya.