Chapter 19

809 12 1
                                    

A/N:

This would be the last chapter for now. Hindi ko pa po kasi tapos yung next chapters and medyo mawawalan ako ng netcon soooo yun. Sorry po if ever matagalan ang next update ko. Superdupermajorbigtime sorry po. Hintayin niyo pagbabalik ko ha?

♥DERPHERP

TMCSE Chapter 19

Competition

Andito na kami sa condo ni Por. Abala kaming nanunuod ng movie habang magkayakap dito sa couch niya. Nakahiga siya sa dibdib ko at paminsan-minsa'y gumuhuhit ng mga bilog sa dibdib ko habang nakatuon ang mata niya sa palabas.

"Baby..." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ipinatong ang baba niya sa braso niyang nakapatong naman sa dibdib ko.

"Hm?"

"Let's take a vacation." sabi ko.

"Yeah. Sabi nga nila Stace yun eh. Sa Anvaya daw sa Subic." aniya.

"No baby. Gusto ko yung tayong dalawa lang." sabi ko.

"Tayong dalawa lang? Bakit? I mean, you always spend your vacation with your cousins. Why all of a sudden naisip mong magsolo?" pagtataka niya. Napangiti ako sa mga tanong niya. Sinuklay ko ang buhok niya sa pamamagitan ng mga daliri ko saka pinadausdos ang kamay ko sa likod niya.

"Because all of a sudden, I have a girlfriend whom I want to spend my vacation days with." simpleng sagot ko. Pinaangat ko pa siya ng konti hanggang sa magkatapat na ang mga mukha naming dalawa. "And gusto ko malayo tayo sa mga pinsan kong magugulo." dagdag ko sabay halik sa kanya.

"And feeling ko, you just want to spend our vacation in bed. All day." sabi naman niya sabay pingot sa ilong ko.

"And you really know what's going on in my mind." natatawang sabi ko. "Though, we can do it anywhere basta maisipan diba? Sa beach, sa pool, sa car. Kahit saan." agad naman niyang pinitik ang noo ko.

"My god! Satyriasis at its finest!" aniya.

"You're my nymph and I want to spend my every day with you."

"But we're not gonna spend our vacation with only the things your dirty mind wants." sabi niya. Tumawa ako saka siya hinalikan ulit. Mabilis lang iyon at napanguso nanaman siya dahil sa asar sa akin.

"Syempre hindi naman kita papagurin no. May iba pa tayong gagawin other than that. Pero siguro most of our time eh ganun ang gagawin natin." kumindat ako sa kanya at nakatanggap nanaman ako ng isang malakas na sapok sa mukha. "Oow!"

"I'm not going on a solo trip kung puro yan ang nasa utak mo. It's a vacation, not a sexcation!" she frustratedly said. Natawa ako lalo dahil kasabay ng mga reklamo niya ay siyang pamumula ng mukha niya.

"Baby, what's the difference?" patuloy na asar ko sa kanya.

"God Alas!" sabi niya saka tumayo mula sa pagkakahiga sa akin. "Ayoko ng ganyan. Kung alam ko lang na ganyan ka, nako! Nako talaga." sabi niya saka lumakad papunta sa kitchen.

Sinundan ko naman siya at naabutang nakatayo sa may ref at naghahanap ng maiinom. Agad ko siyang niyakap mula sa likod and kissed her exposed nape.

"I was just kidding, baby. Syempre madaming activities dun and panigurado akong mag-eenjoy ka." sabi ko.

"Saan ba kasi yan?" tanong niya.

"Sa Huma Island Resort and Spa. It's in Palawan and newly opened resort lang siya. Makakapagrelax ka dun, babe. Promise." sabi ko.

"And you really think sasama ako?"

"Of course! Dahil pag hindi, kakaladkarin pa din kita para sumama sa akin. Hahaha." humarap siya sa akin habang nag-iisip.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon