TMCSE Chapter 31
Birthday Boy
It's been a month already. Okay naman kami ni Por. She stopped overthinking about what Sofia might do. And somehow, everything's going back to normal. Although, galit pa rin sa amin si Sofia, atleast kaming dalawa ni Por okay pa rin. I know at some point this is selfish. Pero wala eh. Hindi ko naman inaasahang magkakaganito pala. Nagmahal lang naman ako. Naging totoo lang naman ako sa sarili ko.
Andito ako sa deck ng bahay sa Pampanga. It's another Sunday and we all know what Sunday means to my family.
"Dude! Your birthday's coming up! Anong plano?" masiglang sambit ni Wacks sabay alog pa sa akin bago umupo sa katabing upuan.
"Walang plano, Wack-o." sabi ko naman. Agad niya akong sinapak at natawa lang naman ako. He hates it when we call him that. Nickname niya kasi yun nung mga bata pa kami.
"Fuck you!" mura niya.
"Not interested." asar ko pa. "Asan yung iba?" tanong ko.
"Wala. Inabandona ka na." halata sa boses niya ang pagkairita. Sinuntok ko naman siya sa braso dahilan para mapangiwi siya. "Pu-- Papunta pa lang okay?"
"Eh bakit nauna ka dito?" pagtataka ko.
"Eh bakit ikaw?" balik niya naman sa akin.
Nagkibit-balikat ako at napangiti dahil sakto ay lumabas si Por mula sa sliding door.
"Uy! Hi, Por!" bati ni Wacks sa kanya. "Kaya pala early bird ang late-comer eh. Kasama pala si Ms. On-time." natatawang sabi niya.
"Haha. Galing din kasi kami sa Silver, Wacks. Pons asked me to check on it since he's still in Bangkok with his sister." sabi ni Por.
"Ah. Kaya." tango niya.
Maya-maya pa ay narinig na namin ang maiingay kong mga pinsan. They were all talking at the same time at nagtatawanan pa.
"Taena laptrip pa rin si Kyle!" halakhak ni Ezra.
"Oo shet! Muntik na kong maihi sa pantalon ko pota!" dagdag naman ni Bam.
"Tangina niyo ha?!" asar na sabi naman ni Kyle.
Nakarating sila sa deck at nang makita kaming tatlo ay binati nila kami.
"What's up? What's down? What's left? What's right?" natatawang bati ni Errol sa amin habang nakikipag-apir pa.
"Poooor!" tili naman ng mga pinsan kong babae. Grabe talaga tong mga to. Akala mo hindi magkakasama kahapon. Niyakap nilang lahat si Por at pinanggigilan pa. Ano? Bata lang?
"Hahaha. Hi, girls." bati ni Por sa kanila.
"Buti sumama ka." sabi ni Parker. Nakipag-apir siya sa akin saka umupo sa rails ng deck.
"Yeah. Inutusan kasi ako ni Pons to check on Silver tapos yun. Dumiretso na kami ni Alas dito." sabi ko.
"He's still in Bangkok?" tanong ni Stacy. Tumango naman si Por saka ngumiti.
"Pfft. That gay bitch. Nawili na magbakasyon ha!" ani Cess.
"Eh wala eh. Ngayon na lang uli sila nagkita ng kapatid niya." sabi niya.
"Ah! Si Jill? Nakauwi na siya from Paris?!" tanong ni Roxy.
"Yeah. Kaya ayun. Nagyaya mag Bangkok. Kasama nga dapat ako eh." ani Por.
"Eh bakit hindi ka sumama?" pagtataka ni Bam.
"I didn't allow her." sagot ko.
"Wow. Tatay ka?" tanong ni Kit sabay tawa pa nilang lahat.