Chapter 25

463 7 0
                                    

TMCSE Chapter 25

Back

Nasa Manila na uli kami ni Por. Dumating kami 4 na araw na ang nakalipas. Ngayong darating na linggo kasi ang enrollment para sa next term kaya naman kahit ayaw pa naming umuwi ay kinailangan na rin. Isa pa, tinawagan rin kasi si Por ng org nila Burn para sa isang meeting bukas.

"Baby, I miss you. Bakit kasi di ako pwedeng sumama bukas?" tanong ko.

It's been 4 days since we last saw each other. Hindi naman kasi ako nagstay sa condo niya dahil pinaasikaso agad sa akin ni dad ang business sa Pampanga. Namimiss ko na si Por. Gusto ko na uli siyang makita.

"I'm sorry baby. Pero bilin ni Ate Mads na wag ka daw isasama bukas. It's an exclusive meeting for us lang kasi and bawal ang outsiders." sabi niya sa kabilang linya.

Ganito lang kami sa loob ng 4 na araw. Palaging sa phone magkausap. Ni hindi man lang kami makapagkita dahil nga nasa Pampanga ako nung mga nakaraaan araw at ngayon naman ay siya ang busy.

"That's unfair. Paano kung andun si Lance? Makikita ka ni--"

"Baby? Diba sabi ko wag magseselos kay Lance. Di naman na siya makakalapit since kinausap na siya ni Carrie. Wag ka ngang praning diyan. Haha."

"Can't help it, baby. Masyado kang maganda kaya kailangan 24/7 kitang binabantayan."

"Ano ka ba. I'm with Ate Mads naman. Chill ka lang ha?"

"Ts. Fine." sabi ko.

"Sir, kailangan po kayo ng papa niyo sa opisina niya." sabi ni manang.

"Baby?" tawag ko kay Por.

"Yes po?"

"Dad needs me. I'll call you later okay?" sabi ko.

"Alright. Take care ha? I love you."

Napangiti nanaman ako sa sinabi niya.

"I will. Ikaw din ha? I love you too."

Pagkatapos naming mag-usap ay nagtungo na ako sa opisina ni dad. Naabutan ko siyang nakababad sa laptop niya at abala sa pagttype.

"You wanted to see me?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin at saka niya inalis ang salamin na suot niya.

"Sit down, son." aniya sabay muwestra sa upuan sa harap ng office desk niya.

"Bakit dad?" tanong ko.

"Hindi ko pa nakakamusta ang farm sayo. How was it?" tanong niya.

"Hm. Everything's okay dad. Yung fish pond natin, okay din naman po and yung dairy natin maayos naman lahat ng machines." sabi ko. Tumango siya at saka nagbalik ng tingin sa laptop.

"I'm sorry if I'm asking you to take care of the farm. Masyado lang maraming ginagawa sa company that I can't find time to go to Pampanga." sabi niya habang nagttype.

"It's okay dad. I'm enjoying it naman eh. Isa pa, nadadalaw ko sila lolo and lola so okay na din na ako muna ang magcheck sa farm." nakangiting sabi ko.

"Onga pala. How's your lolo and lola?" tanong niya.

"Lolo's strong as always. Gwapo pa rin. Haha. Lola's doing good too. Hindi na daw siya inaatake ng diabetes."

"That's good to hear. By the way, this Sunday sa Pampanga uli tayo okay? Isama mo uli si Por." nakangiting sabi ni dad. Matagal siyang tumitig sa akin. "You're lucky to have someone like her, son."

"Yes dad. I'm lucky that she's mine." sabi ko naman. Totoo naman kasi eh. Ang swerte ko kasi ako yung pinili niyang mahalin.

"And wag mo na papakawalan ang katulad niya. Bihira na sa panahon ngayon ang mga kagaya ni Portia." sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti. "Osige na. You can go back to whatever you're doing."

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon