A/N:
Won't be able to update tomorrow, kaya ngayon na lang. Tsaka pala guys, since magiging busy na ko starting tomorrow, baka hindi na ko makapag-update agad. Baka matagalan po. Sarreh. :) Hope you guys understand. Anyway, short chapter lang to pero sana maenjoy niyo pa rin.
♥ DERPHERP
TMCSE Chapter 17
Loyal
Nakarating kami ng Pampanga after 2 1/2 hours. Sinalubong kami ng nga pinsan ko at agad na hinatak si Por ni Ate Mads.
"Hey!" tawag ko kay ate.
"Stop being so clingy!" sigaw naman ni ate sabay hampas sa kamay kong nakahawak pa rin kay Por. "Pwede sa amin muna siya?" aniya.
"Ts. Fine." sabi ko saka hinatak si Por at mabilis na hinalikan.
"God, dork! No PDA please?" ani Ate Mads. Tumawa na lang ako saka na sumama sa mga pinsan kong lalaki.
It's another family day. Pag Sunday kasi ay madalas kaming umuuwi ng Pampanga to have lunch and to hear mass as a whole family. Laging sa bahay ang misa kasama ang kababatang pari ni lolo na si Fr. Andrew Luciano.
After ng misa ay nagtipon na kami sa malawak na garden ng mansion and dun nananghalian. Marami nanamang pinahanda sina lolo at lola. Inasikaso ko si Por at ako na ang naglagay ng pagkain sa kanya.
"Vincent, who's that fine young lady with you?" tanong sa akin ni lola.
"La, this is Portia. She's the model of Ate Mad's design and also my girlfriend." sabi ko. Tumingin ako kay Por at saka ko hinawakan ang kamay niya. "Babe, this is Lola Charito." pakilala ko kay lola. Nagmano si Por sa kanya at nagulat naman siya ng yakapin siya ni lola.
"Welcome to our family apo. Kailan ba ang kasal niyo ni Vincent?" tanong ni lola. Hindi agad nakasagot si Por.
"Lola, bata pa po kami!" sabi ko naman. Tumawa ang mga pinsan ko at maging ang mga tito at tita ko.
"Ma, masyado pang maaga para ipakasal sila. Nag-aaral pa ang mga bata." sabi ni dad na tumatawa rin sa sinabi ni lola.
"Charito, hayaan na muna nating maenjoy ng mga bata ang pagiging magnobyo muna." ani lolo.
"Nako. Nung kami ng lolo niyo, 21 pa lang kami nang ikasal na. Pagkalipas ng 3 taon ay naging anak na namin si Monique." ani lola.
"Mama, hindi pa sila pwede ikasal. Matataas ang pangarap ng mga bata. At isa pa, mas maganda kung parehas na silang may matinong trabaho bago ikasal para naman maayos ang buhay nila." sabi naman ni mom.
"Hay nako, Priscilla. Kaya naman tustusan ang mga pangangailangan nila. Para saan pa't andiyan kayong mag-asawa diba?" pamimilit pa rin ni lola. Bumaling siya ng tingin sa amin ni Por saka ngumiti ng makahulugan. "Eh kailan ba ako magkakaron ng apo sa tuhod ha?"
"Lola!" sabay na sabi naming magpipinsan. Namula si Por at saka na lang yumuko.
"Bakit nanaman? Kayong nga bata kayo kung makareact akala niyo sinaunang panahon pa ito." aniya.
"Charito, wag mong madaliin ang apo mo." sabi ni lolo sa kaniya.
"Let them be, ma. Tignan mo nga si Madison. Siya ang panganay sa magpipinsan pero hindi pa nagkakaboyfriend. Masyado nilang mahal ang mga ginagawa nila kaya wala pa sa isip nila ang malagi sa tahimik na buhay." sabi ni Tito Robin.
"Hay ewan ko sa inyong mga bata kayo. Dapat ay nagsisipag-asawa na kayo. I want to see my great grandkids already." sabi ni lola. Tumawa na lang kaming lahat bilang tugon.