Chapter 7

947 21 3
                                    

TMCSE Chapter 7

Gulo

Enrollment na. Buti na lang at may online exams ang Ridgehill kaya nasa LA pa lang ako ay nakapag-exam na ako. Hindi na rin ako ininterview dahil matataas naman ang grades ko. Isa pa, sa amin naman ang school kaya hindi na ako kinailangan dumaan sa mahabang proseso ng enrollment.

Andito kaming magpipinsan sa school. Kukuha na kasi kami ng schedules at nagsabi na rin ako kay Fia na sasamahan ko sila ni Por mag-enroll.

"Ayun sila Por oh!" ani Stacy nang makita sina Fia at Por na nagffill-up ng form sa may registrar.

"Tara lapitan natin." anyaya ni Addie saka na hinatak ang kakambal. "Por!!" sigaw niya. Tumingin si Por at Fia saka kumaway sa kanila.

"Tara dude." pagyaya sa akin ni Kyle. Naglakad na rin kami palapit kanila Fia. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Fia at tahimik na pinanuod ang pagsusulat niya. Abala naman ang mga pinsan ko sa pagkkwentuhan.

"Bakit andito kayo?" tanong ni Fia. Hindi siya tumingin sa akin pero I know it's intended for me.

"Ah. Kumuha kami ng sched eh." sagot ko.

"So bakit andito pa kayo?" tanong niya uli.

"W-wala lang. N-nakita kasi kayo nila Stace and Addie kaya ayun."

"Tapos na ko. Fia are you done?" narinig kong tanong ni Por. Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka ko siya nginitian.

"Hi, Por!" bati ko. Tumango lang siya sa akin saka na tumingin uli kay Fia.

"Wait, Por." ani Fia.

"Ay shit! I forgot my library card!" sabi ni Por habang hinahalughog ang bag niya.  "Di ako makakapagvalidate ng reg. card"

"Eh paano yan?" tanong ni Fia sa kanya.

"Uuwi muna ako. I need to get that. Hintayin mo ko."

"Samahan na kita." sabi ni Parker. Tumayo na siya at saka na kinuha ang gamit ni Por.

"Ha? Okay sige." ani Por.

"Awww. Mukhang nagkakadevelopan na yung dalawa ah. Nagstart yan sa Anawangin eh." ano Kit.

"Ha? Bakit?" tanong ng kapatid na si Errol.

"I saw them na nagsosolo before tayo umuwi. Park even hugged her." kinikilig ang boses ni Kit habang nagkkwento.

"Ay oo! Tapos diba sa coaster magkatabi sila? Tas nakasandig si Por sa balikat ni Park. Tapos nakaakbay si Park sa kanya. Eeeeeh!!!" hinampas ni Roxy ang braso ni Cess dahil sa kilig.

"Alas, nanliligaw ba si Parker kay Por?" tanong sa akin ni Addie. Kumunot ang noo ko saka sila tinignan ng masama.

"Ewan ko. Bakit saken niyo tinatanong?"

"Eh ikaw ang close kay Parker eh. Kayong dalawa mas madaming alam sa isa't isa so malamang ikaw ang tatanungin namin." ani Stacy.

"Wala akong alam okay? Tsaka ano naman kung manligaw siya kay Por? Di niya naman kailangan magpaalam sa akin." sabi ko.

"Oh. Eh bakit ka nagagalit? Tinatanong ka lang naman ah. Psh." sabi ni Cess.

Hinampas ko ang mesa dahilan para mapapitlag silang lahat.

"Hindi ako galit okay?!" sabi ko tsaka na umalis.

Bakit ba pinipilit nilang nagagalit ako eh hindi naman. Eh sa wala akong alam tungkol sa panliligaw ni Parker kay Por eh. Isa pa, wala din naman akong paki kung manligaw siya. Kaibigan ko lang naman si Por diba?

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon