Chapter 14

890 14 1
                                    

TMCSE Chapter 14

Legal

Dumating na kami sa village nila Fia. Agad kaming pinapasok ng guard since kilala naman nila ako dahil madalas akong nandun sa bahay ng bestfriend ko.

"Sa tingin mo ba she'll accept us?" di ko maiwasang itanong kay Alas. Kung kanina, ako ang nagbigay ng payo sa kanya about this ngayon naman ay ako ang biglang nangailangan ng assurance.

"Babe, accept us or not, ang importante yung tayong dalawa. Atleast we tried diba?"

"Pero kasi she's my bestfriend. It's just that... Ayoko lang na masira yung friendship namin."

"Don't worry. Kung talagang kaibigan mo siya, kahit pa ganito ang sitwasyon, kaibigan mo pa rin siy. Hindi ka niya tatalikuran just because you have me." aniya sabay ngumiti sa akin. Huminga ako ng malalim saka na muling tumingin sa labas.

"Ito na yung bahay nila." sabi ko nang makita ang malaking bahay nila Fia.

Hininto ni Alas ang sasakyan at saka na kami bumaba at nagdoorbell. Agad namang lumabas ang kasambahay nilang si Manang Rosing at saka kami pinagbuksan ng gate.

"Ms. Portia kayo po pala." aniya.

"Hello po manang. Si Fia po andyan?" tanong ko.

"Nako ma'am wala po si senyorita dito eh. Kagabi po kasi eh dun siya sa bahay nina Sir Miggy natulog dahil despedida niya kagabi. Eh ang sabi niya ho sa akin ay alas diyes ng umaga ang flight niya patungong Hawaii. Kaya nga pinahatid ko na lang kay Jun ang mga bagahe niya." paliwanag ni Manang sa amin. "Bakit po ma'am? Di niya ba kayo nasabihan?"

"Ha? Eh hindi po eh."

"Ganun po ba? Eh pano yan ma'am? Baka nakalipad na yun."

"Ayos lang po yun manang. Siguro imemessage ko na lang siya sa viber mamaya."

"Ah sige po." sabi niya. Hindi na kami nagtagal ni Alas at nagpaalam na rin kaming aalis na. Wala na rin naman ang pakay namin dun.

Sumakay na uli kami ng kotse niya saka na siya nagmaneho para ihatid ako sa condo ko.

"Akala ko maabutan natin si Fia." sabi ko habang nasa daan kami.

"I thought so too. Maybe it was not meant for her to know about us this early." aniya.

"I think she has to know about it already. We can't keep it from her forever. Tsaka you will be misleading her. Baka isipin niyang gusto mo pa rin siya." sabi ko.

Nagkibit balikat lang naman si Alas. Halatang walang paki kung malaman ni Fia ang tungkol sa amin o hindi. Ewan ko pero parang may kumurot sa puso ko. Talaga nga bang mahal ako ni Alas o ayaw niya lang na mawala ako sa tabi niya kaya nagawa niya iyon sa akin? Gusto pa rin ba niya si Sofia kaya hindi rin mahalaga sa kanya kung malaman man ito ng bestfriend ko o hindi?

Hindi na ako nagsalita pa. Pakiramdam ko kasi ay baka may iba akong masabi at baka maging dahilan pa iyon ng away namin. I don't want him to think that I'm doubting his feelings for me. Ayokong isipin niyang wala akong tiwala sa nararamdaman niya. It's enough for me that he tells me he loves me. Kahit pa iba siyang kilos, ayos lang.

"Babe?" untag niya sa akin. Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya naman hinawakan niya ang kamay ko at pinaghahalikan. "Babe, galit ka ba?" he asked.

Lumingon ako sa kanya at saka matamlay na ngumiti at umiling.

"I'm not mad. Wala lang talaga akong masabi pa kaya medyo natahimik. Pero hindi ako galit."sabi ko. Huminto kami dahil nakailaw na ang red light kaya naman tumingin siya sa akin.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon