Chapter 25.1
"Jea, anong plano mo? Sasabihin mo na ba kay Mattew?" Pabulong na pagtatanong ni Dorine.
Nasa library kami gumagawa ng assignment sa English. Terror yung prof namin kapag wala kang assignment magdasal kana na wag makatanggap ng 5 grade. Minsan tinatanong ko sa sarili ko lahat ba ng matatandang dalaga galit sa mundo? Unfair din kasi itong si Kupido bakit hindi nya binigyan ng lovelife si Miss Donna edi san hindi kami ngayon nangangapa ng isasagot sa subject nya. Ang hirap hanapin ng isang takdang aralin lalo na't hindi nya kinuha sa libro ang tanong.
"Siguro." Sabi ko habang nagsusulat.
"Dapat lang na sabihin mo kung anong status meron kayo kung in relationship, complicated, o break up! Wag mong paasahin si Mattew!" Nanermon na naman po si Queency.
"Oo." Matipid kong sagot.
"Nakakaloka! Hindi ko alam pinagbabawal na pala ang sumagot ng mahaba. Wag mong tipidin ang sasabihin mo Jea madami pang letters sa alphabet." iritang sabi Dorine.
Mayamaya pa tinapik ako ni Queency, Naasar na lumingon ako. Pabulong kong sinabi, "Ano?"
"Oh!" Nakanguso sya.
"Anong oh?" Nakinguso din ako.
"Hindi yun. Si Mattew." Sabay turo nya sa paparating na si Mattew.
Nakataas noo itong naglalakad palapit sa isang mesa. Pinagmasdan ko ang mukha nya hanggang sa makaupo ito sa upuan. Napakalungkot ng mga mata nya kahit sa kinauupuan ko nararamdaman ko yung bigat ng nararamdaman nya. Wala na lahat ng nakakatakot na aura nya ng araw na yun.
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nasaktan ko si Mattew kahit baliktarin ang mundo ako yung may kasalanan. Inaamin ko, simula high school si Mattew lang ang taong gustong gusto kong pakasalan. Nagustuhan ko sya dahil napakabait nya sya ang tipo ng lalaki na pangarap ng lahat, Perfect.
Crush ko sya, crush nya ako hindi ba enough yun para samin dalawa? Gustuhin ko man pilitin ang puso ko na mahalin at ituloy kung anong meron samin ni Mattew ngayon pero ang puso ko ang umaayaw.
Mattew please, lumingon ka.. lumingon ka.. kapag lumingon ka magkakaroon ako ng lakas ng loob na magsorry sayo..
Dahan dahan. Unti unti syang lumingon sa diresksyon namin at malungkot na nginitian ako.
Zean's POV
Sa Clubhouse..
"What happened between you an Jea? You're smiling like hell? Nakascore kana ba?" Nakakalokong nginitian ako ni Tyrone habang naglalaro ng billiard.
"Tarantado ka!" Binatukan ko nga.
"Kayo na ba ni Jea? Sinagot kana ba nya? Ngiting wagas ka oh!" Sigunda naman ni Nikolo tapos kinikis yung dulo ng stick bago tumira.
"What the bullshit are you guys talking about? Im not smiling! Pss." Palusot ko.
Kahit ako napapansin ko kanina pa ako nakangiti. Tss..
Kinuha ko ang billiard stick kay Nikolo at tumira yung billiard ball, kaso hindi pumasok binalik ko ang stick kay Nikolo at pumunta sa mini bar. Umupo ako sa stool.
"Beer." Sabi ko kay King at agad naman akong binigyan.
"Himala Zean hindi ka ata nagalit. Dati ilang billiard stick ang nababali mo sa inis kapag hindi ka nakascore. Ayieee si Jea lang pala ang susi para macontrol mo yang temper mo eh." Inakbayan ako ni Tyrone at hinalikan sa pisngi.
Tinulak ko sya, natawa ako, "Gago! Bakla ka ba? Ngayon palang kumanta kana para matikman mo itong kamao ko!"
"Yes, baby i almost getting there. Sarap mo kasi. Isa pa nga!"
![](https://img.wattpad.com/cover/24132483-288-k57854.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]
HumorNagmahal ako at minahal. Pero hindi siya ang tipo ng lalaking gugustuhin mong makasama palagi dahil sa ugali nito at medyo may pagkaisip bata. He was too bad for me. I feel like im with the devil everyday.. And Fallin for him was never in plan, it j...