Chapter 48

1.9K 65 26
                                    


Chapter 48

Mattew's POV

"Tito, Tita nakausap ko po si Lolo. alam ko na po kung nasaan sila Kuya."

Sabi ko ng maibaba ko ang cellphone pagkatapos namin magusap ni Lolo. Nakita daw nila si Kuya sa Korea. Umamin na rin ako kay Tito Greg na ako ang anak ni Mommy sa labas. Nagpapasalamat ako dahil hindi siya nagalit at mabilis niya akung tinanggap.

"Sabihin mo nasaan sila? Kamusta si Jea?" Tanong ni Queency.

Nanatili akung tahimik.

"Mattew, magsalita ka nga!" Sigaw ni Dorine.

"Dude, papatayin mo ba kami sa nerbyos?" Singit ni Nikolo.

"Mattew, please magsalita ka na. Kinakabahan na ako eh." Sabi ni Tita Jean.

Huminga muna ako ng malalim at nilapitan si Tita Jane. Kanina pa kasi ito umiiyak. Namumugto ang mata at halatang ilang gabe ng walang tulog. Naawa ako sa kanya. Siguro kung nabubuhay pa si Mama malamang ganito rin ang mararamdaman niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Tita at ngumiti.

"Tita, ang sabi ni Lolo maayos daw po ang lagay nila sa Korea."

"Wait? Nasa Korea sila?" -Dorine

Tumango ako kay Dorine at tumingin ulit kay Tita.

"Nalaman ni Lolo na sa maliit silang apartment nangungupahan kinausap niya si kuya at pinilit na doon sa mansyon sila tumira pero ayaw ni Kuya.. Siya si Zean Calvin hindi siya basta basta mapapasunod ng kahit sino. I can't blame kuya kung gusto niya ilayo si Jea kay Mrs. Harris. Ayaw niya talagang maikasal kay Scarleth. Naiintindihan ko po siya. Ganon din ang gagawin ko kung sa akin nangyari 'yon. Tsaka hindi naman pababayaan ni Kuya si Jea. So no need to worry."

"Honey, narinig mo nasa mabuti silang kalagayan. Magpahinga ka muna. Bukas na bukas ipapahanda ko ang private jet para mapuntahan ang mga bata."

Lahat sila huminga ng maluwag at parang nabunutan ng tinik. Niyakap ni Tito Greg si Tita. Hinawakan niya ang kamay ko tapos umusal ng pasasalamat.

Jea's POV

Nasa tapat ako ng malaking pinto ng church at ready ng maglakad. Medyo kinakabahan ako at nagda-dalawang isip kung papasok ba ako o tatakbo. Mahigpit kung hinawakan ang flowers at naglakad sa gitna. I saw him, He's wearing a blue toxido. He was so handsome. He's standing proud and sexy. waiting for me wearing his most sweetest smile. Ang saya ng ngiti niya parang walang inaalalang problema. Na okay lahat kasi ako ang kasama niya.

Ngumiti din ako.

Ewan ko ba kung bakit ko binuksan ang cellphone ko ng gabing 'yon. Parang may munting tinig na bumubulong sakin. Siguro kung hinayaan ko lang malamang nakakangiti ako sa kanya ng masaya.

Naglakad siya palapit sakin. Tapos sabi niya hindi na daw siya makapag-hantay pa. Ikinapit niya ang kamay ko sa braso niya.

Simple pero maganda ang tanging masasabi ko. Hindi man ito ang dream wedding ko, di man ako nakasuot ng bonggang damit masasabi ko ito ang kasal na kahit mamatay ako hindi ko malilimutan. Tapos si Zean Calvin pa ang nag-ayos ng lahat. Biglang tumunog ang piano

(Now playing: BEAUTIFUL IN MY EYES)

Si Father tapos yung iba pa niyang kasama masayang nakangiti sa amin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Wala dito si Kuya Ace dahil sekreto lang 'tong pagpapakasal namin. Tsaka madami pa 'yong trabaho kaya hindi na namin inabala.

"You're the most beautiful bride in my eyes Poochy." He whisper in my ears.

"Ikaw din. Ikaw ang pinakagwapong groom. Walang panama sayo Kim Myungsoo.."

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon