Chapter 17 -Ha? Ano Daw?!

2.9K 104 10
                                    

Chapter 17 -Ha? Ano Daw?

Dorine's POV

Sa classroom..

Saan kaya ang dalawang yun at hindi pumasok sa first subject. Kanina pa nagsimula ang klase namin pero ni anino ng dalawa kong baliw na kaibigan hindi ko pa nakikita. Siguro nagkasundo sila na h‘wag pumasok tapos hindi ako sinabihan.

Badtrip! Sana sinabihan nila ako nakakabagot pa naman ‘yung prof lalo na't math pa yung tinuturo niya.

Pa-simpling kinuha ko ang cellphone sa bag ko at dinayal ang number ni Jea alam ko bawal gumamit ng phone ‘pag nasa klase. Nasa hulihan naman ako naka-upo kaya kahit papaano hindi ako mahahalata ng prof.

Calling Jesha...

[Dorine, bakit?] Hayy sa wakas at sinagot din.

"Nasaan ka? Magkasama ba kayo ni Queency? Bakit hindi kayo pumasok?" Sunod sunod kong tanong. Narinig ko siyang napa-gasp.

[Isa isa lang pwede? Mahina ang kalaban. Nandito ako sa gym hindi ko kasama si Queency nagtext siya sa‘kin kanina.. Ang sabi niya magpapahinga daw muna siya ngayon.. napagod siguro sa photoshot niya kahapon.]

"Sige, pupuntahan na lang kita diyan." I said.

[Okay, mabuti pa at malapit na akong matuyuan ng dugo-- ANO? TUMAHIMIK KA NGA KITA MO MAY KAUSAP YUNG TAO!]

Nailayo ko yung cellphone ko sa lakas ng boses ni Jea, malamang nag-aaway naman sila ng stepbrother niya.

[Ang lakas ng loob mo tawagin ang sarili mong tao eh samantalang nabibilang ka sa lahi ng mga aso ARAY! OUCH! FUCKSHIT!! --Dorine ibaba ko na 'to bye.]

Then she hung up. Suddenly i find myself smilling. Nakyu-kyutan kasi ako sa mga isip batang away nila Jea at Zean. Ewan ko kung ako lang 'tong malisyoso ang pag-iisip, napapansin ko parang may gusto si Zean kay Jea. Kayo pansin niyo ba?

Kahit hindi niya sabihin nakikita sa mga kilos at sa paraan kung paano niya titigan si Jea merong something na hindi ko ma-explain.

Inaayos ko ang gamit ko at tinapon sa labas at saka dahan dahan gumapang palabas ng classroom. Sa kasamaang palad may dalawang paa akong nakita sa unahan ko dahan dahan kong inangat ang mata ko tapos nakita ko ng naka-kunoot noong mukha ni sir. Shit!

"Where are you goin? Skipping my class? At sino ‘yung kausap mo sa phone? Mahigpit kong pinagbabawal ang pag-gamit ng cellphone during my class! And lastly why did you throw your bag outside?" Mautoridad at masungit niyang sabi.

"Ummm.." wala ako maisip sabihin.

Ano sasabihin ko? Panget at ang boring ng subject mo kaya lalabas ako. No!! baka mas lalong magalit si sir at ibagsak ako.

Ang mga classmate ko naririnig ko ng magtawan at magbulung-bulongan.

"Ako po ang tinawagan niya sir.." Someone said in front of me.

I lift my eyes and i saw Tyrone then all of my classmate screaming like hell. Shiz. Sa lahat ng ayaw ko makita siya pa ang lilitaw sa harapan ko. Hanggang ngayon naiinis pa ako sa hindi niya pag-sunod sa‘kin.

Ohwait.. ‘diba hindi niya naman obligasyon na sundan ako.. eh bakit nag-iinarte ako ng ganito? Dahil ba sa naramdam ako ng disappointed ng gabing yun? Sana naisip ko ‘yung sabi sa quotes, the more expect the less you get hurt.

"Why did she call you?"

"Masakit po kasi ang tiyan niya kaya tinawagan niya ako para dalhin siya sa clinic.." Tinignan niya ako ng para bang may gustong sabihin, "Um-aarte ka."

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon