Chapter 25.3

2.2K 84 7
                                    

Chapter 25.3

Next morning. 7am.

"Hoy! Bumangon kana diyan!" Isang boses ng lalaki ang pumukaw sa maganda kung pagtulog. tapos parang sinisipa ang paa ko.

Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at nakita ko ang lukot na mukha ni Nikolo tapos isang matigas na bagay ang tumama sa mukha ko. Lintik, umagang-umaga nambwubwuset ang hayop na 'to.

"Bakit kaba nambabato?" Galit kung tanong at pinulot ang unan.

"Aba, hoy Queency magtatanghali na hindi pa ako nag-aalmusal bilisan mo na diyan at magluto ka!"

Makapang-utos manang mana kay Zean!

"Magparoom service ka nalang! 'Di mo ko alila!" Sabay talukbong ng kumot.

"Ayoko ng room service. Gusto ko pagsilbihan mo ko! Wake up!" Tinanggal nya ang kumot at pilit akung tinayo.

"OO NA! DISTORBO! WALANG MODO! BASTOS!"

Agad akung tumayo at tinungo ang banyo saka naligo. Naglagay ng shampoo, nagsabon at nagbanlaw. Pagkatapos nun humarap ako sa salamin.

"Ang ganda ko talaga."

Hindi ako makapaniwalang magiging asawa ko si Nikolo in the near near future. Masaya na malungkot. Masaya dahil sya makakasama ko. Malungkot dahil hindi niya ako gusto. Chokay na din ako dahil natupad ang isa sa mga pangarap ko. Ang maikasal sa taong mahal ko.

Kinuha ko yung tuwalya tapos tinapi sa katawan ko saktong paglabas ko ng banyo sumigaw nanaman ang hinayupak.

"QUEENCY!!! BILISAN MO NA DIYAN!!! ANO BA GUSTO MO BANG MAMATAY AKO SA GUTOM?!!"

Kaasar.. nagpapaganda pa nga ako eh.. kahit kelan bwuset tong si Nikolo. Di ba niya alam na kaya ako nagpapaganda dahil sa kanya. Kinuha ko yung damit ko at nagbihis baka bigla siyang pumasok.

Lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko siyang nakaupo sa mesa at nagkakape.

"Bakit ba ang tagal mo?" Masunget niyang tanong.

"So?"

Tahimik akong nagluluto ng almusal ng hari. Nagprito ako ng itlog at bacon tapos fried rice, meron kasing stock food dun sa ref. Bagaman hindi ko siya nakikita alam ko tinitigan niya ako. At Na-ilang ako.

"Ba't ang ikli ng short mo?" Nasa tuno nito ang pagkainis.

"Eh ano ngayon? Eh sa ito ang gusto kung isuot." Sabi ko pero nakatalikod parin.

"Tss.. mahiya ka nga, hindi naman kagandahan yang legs mo ini-expose mo pa."

Siya lang ang nagsabi hindi maganda ang legs ko samantalang lahat ng lalaki pinagpapantasyahan ang kagandahan at kasexy-han ko.

Padabog kung nilapag ang pagkain tapos umupo at walang imik na kumain. Ang sama ng tingin ko dun sa bacon at itlog. Nakikita ko sa kanila si Nikolo! Grrr!

"Gusto mo mamasyal?" He asked me after a long silence.

"Ayoko, tinatamad ako ikaw nalang." Umirap ako.

"Sure ka? Uuwi na tayo bukas bahala ka kung ayaw mo maglibot libot maganda pa naman mamasyal kung nakabisikleta.."

Tapos pasipol sipol siyang tumayo at naglakad palabas.

Anong gagawin ko dito sa loob? Gusto rin mamasyal.. ang hinayupak na yun di manlang ako pinilit. Hindi ba nya alam na, kapag ang babae umayaw dapat pilitin mo. Ganon kaming mga babae. Right?

Tumakbo ako palabas para habulin siya. Nakita kung nakasakay na siya sa bike then bigla niya akung tinignan.

"Ang bilis naman magbago ng isip mo.. tara na may bike pa diyan oh." Sabay turo niya sa bike.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon