Chapter 09 -Seriously, May Sakit Siya?!

4K 132 30
                                    

Chapter 09 -Seriously, May Sakit Siya?!

Three days was passed hindi ko nakikita si Zean. Walang Zean na um-eepal sa buhay ko. Hindi ko siya nakikita sa campus o sa paligid.

Aba! syempre masayang masaya ako. Wala ba namang Devil na umuutos sa‘kin, sumisigaw, nagsusungit at nang-iinis. Masaya ako sobra.

Pagkatapos nung pagtatalo namin hindi siya nagpakita. As in HINDI. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya at wala akong pakialam.

Pero sa loob loob ko may parting hindi masaya. Bakit?

“Nakakaloka sumasakit ang brainy ko. Ano bang pagkain ang healthy?” Reklamo ni Queency sabay baon ng ulo sa mesa.

Kumakain kami ngayon sa isang fast food chain sa mall. Nag-b-brain storming kami kung ano ang lulutuin namin para sa nalalapit na actual orientation. Magkagrupo kaming tatlo sa pagluto. Bawat grupo pinabunot ni Sir ng maliit na papel sa fish bowl kung ano ang lulutin tapos lutong pambata ang nabunot namin. Para siyang kompetisyon kung kanino ang mas masarap at maganda ang presentation mataas ang makukuhang grade. Kaya ito kami ngayon malapit nang masiraan ng ulo sa kakaisip kung ano ang lulutuin.

“Maraming pagkain na healthy kaso can‘t decide kung ano ang mas healthy argh! bakit kasi ito pa ang napunta sa‘tin. Hindi naman pweding basta basta tayo magluluto. Kailangan ‘yung kakaiba tipong exotic ang dating pero healthy.” Asar kong sabi habang nagre-research sa google.

“Sira! Anong exotic pinagsasabi mo? Lalagyan mo ng atay, balonbalonan, dugo, puso, intestine, lungs ang lulutin natin?” napipikon na sabi ni Queency.

“nag-s-suggest lang naman eh.”

“Eh kung gatas? Healthy naman ‘yun diba?” Suggestion ni Dorine na busy sa pagkain ng pasta.

“Dorine Grace pagkain ang pinag-uusapan hindi gatas!” Binatukan siya ni Queency. Nag-glare lang si Dorine.

“Alam ko na!” Huminto sa pagkain si Dorine at tinutok ang tinidor kay Queency, “Queency, Ano ang pinapainom mo sa baby mo?”

Heto na naman po tayo. Napapikit na lang ako saglit.

“Promil, para sa matatag na pangarap, ikaw?!” Queency smirked.

“Bonakid, para sa batang may laban!” Dorine look at me, “Ikaw Jea ano pinapainom mo sa baby mo?”

“Emperador lights, para sa totoong TAGUMPAY!” Natatawang sabi ko.

We both laugh out loud. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang taong kumakain sa fast food chain na ‘yun. Tatakang taka sila at gulat na gulat. Siguro iniisip nila may mga anak na kami tapos totoong pinapainom ko ng EL ang baby ko.

HAHAHA! SUMASAKIT NA ANG TIYAN KO SA KAKATAWA! HAHAHA! NANIWALA ATA SILA! HAHAHAHA!

Then we both sigh in unison, “HAYYY!”

“Wala talagang pumapasok sa utak ko.” mahinang sabi ni Dorine.

“Ganon din ako, parang tinapon sa Saturn ang utak ko.” segunda ni Queency.

“Babagsak na tayo.” I sigh.

“S‘yanga pala, tanong ko lang Jea bakit hindi ka na ata ginugulo ni Zean? Tahimik ng buhay mo this passed 3 days ah. Ano‘ng nangyari sa Master mo? Nawalan na siguro ‘yon ng kapangyarihan.” Sabi ni Dorine.

“Aba malay ko! Mabuti nga ‘yun walang demonyong nag-aaligid sa buhay ko. Tuwing alam kong nasa malapit kinikilabutan ang buo kong katawan. What ever happened to him I DON‘T REALLY CARE end of conversation.” Pairap kong sabi. Binigay ko kay Queency ang laptop, “Ikaw naman tumingin ng mga recipe diyan.”

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon