Chapter 27

2.8K 85 7
                                    

Chapter 27

"Jea, alam mo bang matagal na silang magkakilala tatlong taon na! Ayon sa nasagap kung info magkaibigan daw sila. Business partner ng lola ni Zean ang magulang ni babae. At ito pa, i heard kinausap niya si Couch. She accepted the job, she is the new team manager." Paliwanag ni Dorine habang nagpapabalik balik ng lakad sa harapan ko at kunwaring may tinitigan doon sa notebook na hawak niya.

"Obvious naman diba? Ipagkakasundo ba sila kung hindi?" Sarkastikong sabi ni Queency.

"Paano mo nalaman?" Matamlay kung tanong.

"Sa kanya!" Tinuro ni Dorine ang babaero niyang boyfriend na nakangiting tinignan ako.

Naikwento samin ni Dorine na sila na daw ni Tyrone nung isang araw lang. Masaya kami para sa kanila wag lang niyang lulukohin si Dorine. Makakatikim siya samin ng bugbog! At Ang malandi naming kaibigan hindi man lang nagpaligaw kahit isang araw lang. Sagot agad agad!

Nandito kami sa Pizza hut dumiretso pagkatapos ng subject namin.

"So bukod sa pagiging babaero, chismoso ka na pala ngayon Tyrone?" -Queency

"Kunti lang ang alam ko kasi kunti lang din ang ikwento ni Zean samin, Haha!" Natatawang kinagat niya ang Pizza.

"Matagal ng magkakilala si Scarleth at Zean? Siya na ang bagong team manager?" Wala sa sariling nasabi ko.

Binatukan ako ni Tyrone, "Engot. Dorine already said that. You don't need to repeat it!"

"Porket boyfriend ka ni Dorine kailangan may batok?" Sinamaan ko siya ng tingin at kinagat ang Pizza.

"Ikaw naman kasi parang nasa Pluto yang tenga mo. Makinig ka nga!" Segunda ni Dorine

"Hala! Sige kampihan mo yang boyfriend mong babaero! Pag-uumpugan ko kayo eh!"

"Hey, nagbago na ako.. matagal na." He said then he smile on Dorine. Tinitigan niya ito ng makahulugan tapos pinisil ang pisngi niya.

Sila na ang sweet sweetan!

Dinilatan ko siya ng mga mata at sinupalpal yung malaking Pizza sa bunganga niya. Kainis!

"Ayusin mo ang sasabihin mo." Sabi ni Queency

"Anong aayusin ko? Eh hindi ko nga alam sasabihin ko." Napabuntong hininga ako.

"How come you not know?" Nakataas kilay na tanong ni Queency.

"Okay. Kailangan mo mag-isip ng magandang paraan. This is the biggest crisis in your love life." -Dorine

Kung bakit ba naman ako ang napagtripan nilang itopic! Madami namang ibang pwedeng pag-usapan eh!

"Paano kung hampasin ko yung fire alarm tapos mag-sisitakbuhan silang lahat iisipin nilang may sunog! O di kaya papatunogin ko ang Serina para isipin ng mga tao may Earthquake! Tapos alam niyo ba sabi sa balita may dadating raw na bagyo magkakaroon ng landslide da--"

Biglang inipit ni Queency ang gilid ng labi ko at pinaharap sa kanya, "Ano ba yang pinagsasabi mo? Don't change the subject!"

Tumango ako then tinanggal niya yung kamay niya, "Okay."

"Scarleth was a aggressive rival. So what are you going to do?" Aniya ni Dorine

"I don't know!"

"I feel pity for you Jea. Good thing we're friends. I have a idea, pumunta kayo sa Basketball Gym mamaya. Don't forget." Tyrone winked.

I sigh. Pero sa totoo lang kahit ako wala maisip na paraan. May magagawa pa ba ako? Meron pa ba? Kahit na ano pa ang sabihin ko, kahit umamin pa ako sa kanya. Sabi ko nga, Wala din mangyayari diba? Kasalanan 'yun diba? At Kapag sinabi ko ang nararamdaman ko for sure magagalit si mama o di kaya si Tito, masasaktan si Scarleth.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon