Chapter 40.1

2.3K 72 1
                                    


Chapter 40.1

Sabi ni tito ng nasa kotse kami strikto daw ang mama niya. Bigla kaming kinabahan ni mama. Paano kung magkamali ako sa sabihin ko? O di kaya si mama? Paano kung bawat galaw namin ino-obserbahan niya? Magiging masaya ba kami? Mama sorry, malandi yung anak niyo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin si Zean. Kung magpapatuloy ang relasyon namin wala akong lakas para maging pamilya kami ni Zean.

"Jea wait." Tawag ni Zean ng makababa kami ng kotse.

Huminto ako sa paglalakad then nilingon ko siya sa likod. Ngumiti ako. Yung pagmamahal ko sayo ang nagbibigay ng lakas ng loob ko para harapin kung ano mang pagsubok ang ibigay sa atin. I Sigh. Ang gwapo naman niya sa suot niyang blue long sleeve t-shirt at pinatungan ng black lether jacket. With matching nerd glass. Tapos ang sout ko yung binigay ni Zean na dress sakin. Tanda niyo pa? Di kasi ako handa.

"Tita Jane mauna na po kayo sa loob. Kakausapin ko lang saglit ang little sister ko." Ngumiti siya kay mama.

Huh? Ano naman kaya sasabihin nito?

"Bilisan niyo naghihintay ang lola mo." Sabat ni tito Greg.

Naka-sarcastiko niyang sinabi, "Wag kang sumabat! Si tita Jane kausap ko 'di ikaw!"

"Okay. Basta bilisan niyo."

"Opo!" Naglabas pa siyang ng dimple.

OHMYGOSH! OO NA ALAM KO NG CUTE, HOT AND HANDSOME KA DI MUNA KAILANGAN ILABAS DIMPLE MO!

Tignan niyo 'to. Ang galang kay mama pero kay Tito Greg walang galang. Magkahawak kamay silang pumasok sa resto. Taas kilay ko siyang nilapitan.

"Kailan ka pa natututong gumalang, aber?" Pang-aasar ko sa kanya. Tinulak niya ang noo ko gamit ang daliri niya, "Aw. Sabihin muna, bakit gusto mo ko kausapin?"

At ang bastosing si Zean ay inirapan ako. Nadadalas yang pang-iirap niya sakin ah. May kinuha siya sa pocket niya tapos dahan dahan lumapit sakin. Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko tapos tinaas ng kunti.

Nagulat ako at kumurap, "Wee! Ano bang hinahanap mo sa mukha ko?"

Nabigla ako ng pinunasan niya yung mukha ko at ang lipstick ko sa labi gamit ng panyo ko. Ang seryoso ng mukha niya habang ginagawa niya 'yon. Nahiya ako dahil ang ibang tao na pumapasok sa resto sumusulyap samin.

"Shit! Sino ba ang naglagay ng make-up mo ha?" He said, annoy.

Sumimangot ako at nagpout, "Panget?"

"Maganda ka kapag walang make-up! Wear this.." Nilagay niya yung nerd glass sakin, "Much better. Lets go!"

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero nilayo ko dahilan para tignan niya ako ng masama.

"Makikita tayo nila Mama!"

"I don't care!" Walang pakundangan niyang hinigit ang kamay ko papasok.

Pagpasok namin sa isang VIP room. Ang tahimik nilang tatlo. Si mama parang hindi na humihinga. Ewan ko kung bakit biglang tumindig ang mga balahibo ko sa batok ng magtama ang mata namin ng lola ni Zean. Nakakatakot pa siya sa inakala ko. Para siyang terror teacher na namamalo sa makukulit na bata. Hindi ako magdududa kung sa kanya nagmana si Zean ng ganyang scary aura. Ang talim ng mga mata niya tipong kayang basahin ang kaluluwa mo. Ang taray ng kilay at salamin niya.

"Stop staring her old lady!" Galit na sabi ni Zean. Hinila niya ang upuan para sakin tapos umupo siya sa katabi kung upuan.

"You are Jea?" Waaah! Pati yung boses niya nakakatakot! Teka pano niya ako nakilala?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon