Chapter 21 -Confused

2.7K 93 4
                                    

Chapter 21 -Confused

**Hospital

Nakatayo ako sa may bintana at malayo ang tingin. Isang araw palang akong nakahiga sa hospital bed pero sumasakit na ang likod ko. Kahit sinabi ng doctor na pwede na akung umuwi hindi pumayag si tito dapat daw imonitor padin ako baka daw magkaroon ng problema.

Napabuntong hininga ako.

Parang bangongot ang nangyari kahapun. Iyon ang hinding hindi ko makalimutan buong buhay ko.. Sana wag ng maulit yun..

Inasikaso ni tito ang mga papeles para huwag makulong si Zean dahil sa ilang gang member ni Gray na pinatay niya. Binayaran ni tito ng pera ang mga pamilya nito mabuti nga at pumayag ang mga ito. Iba talaga ang nagagawa ng pera lahat nababayaran. Doon sa other side ni Zean Natakot ako nung una pero kung iisipin dahil sakin kaya niya yun ginawa.

Hindi na rin namin pinaalam kay mama ang nangyari baka magwala yun lalo na kay papa baka mamaya umuwi ito ng pilipinas ng wala sa oras. Madalas dumalaw sina Queency at Dorine pati din sina Nikolo, Tyrone, Smoke at King pero si Zean never pang nagpapakita sakin ganon din si Mattew.

Ano kaya problema ni Mattew? Busy kaya siya? Bakit kaya hindi niya ako dinalaw? Siguro naman sinabi nila Dorine ang kalagayan ko.

Napabuntong hininga ulit ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa lips ko. Bigla kung naalala yung halik ni Zean kagabe lalo na yung salitang mas gumulo sa puso ko. Sa tuwing maalala ko yun hindi ko mapigilan ang puso ko sa pagalboroto.

Bakit ako nagkakaganito? Ayoko ng ganito! Mali itong nararamdaman ko!

Mahal ko ba siya kaya ganito kabilis ang puso ko?

Paano si Mattew?

Argh! Ewan nababaliw na yata ako. Mabuti pang manuod ng tv. Pagbukas ko ng tv. Shit! Bakit halos ng movie naghahalikan?

"Ano bang gusto mo palabasin tv hah? Bakit halos lahat kayo nagtutukaan?" Naiinis kung pinatay ang tv.

Lalabas sana ako para bumili ng pagkain sa canteen ng may matangkad na lalaki ang humarang sa harapan ko.

I know who he is! Jusko po! Anong gagawin ko? Parang masusuka yata ako sa kaba! Jea relax ka lang si Zean lang yan.

Napaatras ako ng naglakad siya. Halos ganon ang ginagawa namin atras-abante. Nang wala na akung maatrasan nacorner niya ako.

Bakit nauso pa kasi ang pader? Tae, hindi ako makatingin sa kanya dahil kapag nangyari yun si heart mawiwindang.

"Jea.." He said in more seriously tone, His arm between me. Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahan inangat ito. Pero hindi ako nakatingin sa mga mata niya, "Please, Look at me.."

So i did. His looking directly to my eyes. His eyes was sad and lonely. Halos dikit na dikit ang mga mukha namin sa isat isa. Naamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.

"About what happened last night.." Pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Kinalimutan ko na yun." Napayuko ako. Bigla kasing nag-init ang mukha ko.

"Bullshit! Sinong may sabing kalimutan mo?" Nasa tuno nito ang galit at hinampas ang pader.

This time napaangat ako ng tingin, "Zean.."

"Oo na! Yung sinabi mo kagabe hindi ako pinatulog nun!" Sigaw ng utak ko.

"Sobrang busy ko ngayong araw pero pinuntahan parin kita para makita ka.. Kailangan kung makita ka.." Dinikit niya ang noo niya sa noo ko,"Para makahinga ako."

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon