Chapter 25.4

2.5K 89 7
                                    

Chapter 25.4

Mattew's POV

"Young master, kumain na po kayo. Dinalhan ko po kayo ng pagkain. Ilang araw na po kayong hindi kumakain." Yaya said while knocking my door.

"Busog pa po ako!" Sigaw ko but in a nice way.

"Pero kailangan nyo pong kumain! Utos yun ng daddy mo bago sya umalis!"

"SABING AYOKO KO EH!! BAT BA ANG KULIT NYO! ISTORBOHIN NYO PA AKO I'LL FIRED YOU ALL!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Simula ng naghiwalay kami ni Jea parang wala na akung ganang mabuhay. Yung tipong gusto ko nalang magmukmok sa kwarto at uminom buong magdamag tapos umiyak. I've been lost for past few days! Naging mainitin ang ulo ko na syang hindi ko gawain dati. Nangilid ang mga luha ko. Takti! Kalalaki kung tao umiiyak ako!

Nagdesisyon ako na lumipat ng school para 'di ko makita si Jea. Kapag nandoon ako sa university may posibility na makikita ko sila ni kuya! Makikita ko din kung gaano ako katalunan! Doble ang sakit ng nararamdaman ko ngayon kesa ng mawala si Mommy.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan pictures namin ni Jea na magkasama. Napangiti ako ng kunti, i mean mapait na ngiti.

"Ano bang meron kay Kuya na wala ako? Sana sinabi mong gusto mo yung medyo bad boy sana nagawan ko ng paraan! Sana hindi tayo umabot sa ganito!"

Sa sobrang inis ko tinapon ko yung cellphone at ang bracelet na isinauli ni Kuya. Biglang nandilim ang paningin ko. Yung sakit na nararamdaman ko gusto kung ilabas. Gusto kung PUMATAY NG TAO!!

Buong buhay ko si Jea lang ang babaing minahal ko kaya ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Letting her go was the stupid thing that i've done in my life! Sabi nila, kung totoong mahal mo ang isang tao matutoto kang magparaya. Matuto ka daw maging masaya para sa kanya pero bakit 'di ko makuhang maging masaya?

"URGHHHHHH! BULLSHIT!" Sa abot ng makuha ng kamay ko hinahagis ko ito sa kung saan direksyon.

Nikolo's POV

"Manong dalawa pong ube ice cream!" Sabi ko dun sa nagtitinda ng dirty ice cream at inabot ang bayad.

"Ayoko ng ube! Gusto ko manggo flavor!" She stated. Arte!

"Manong manga daw!" Masungit na sabi ko at nilingon sya. Nakapout lang sya nun.

"Nako sir wala na pong manggo flavor naubos na po." Nagpalipat-lipat ng tingin samin si Manong.

"Oh? Nadinig mo? Ubos na daw!" Bwuset na bwuset ko syang nilingon.

Sino ba ang hindi mabwi-bwiset sa snails na 'to eh halos naikot na namin ang ilang park dito sa tagaytay para hanapin ang letcheng manggo flavor na yan palaging ubos! Nagtry kami pumunta sa Ice Cream Parlor saktong may manggo flavor umayaw sya dahil ayaw nya daw ng may cheese. Kanina ko pa gustong saktan ang babaing 'to nagpipigil lang ako!

"Edi maghanap ka ng maggo flavor!" Nakacross arms na sya nun at nakataas na naman ang kilay.

"Saan pa tayo maghahanap ha?! Eh kanina pa tayo hanap ng hanap ng pesteng manggo flavor na yan! Ayaw mo naman ng may cheese dahil ang arte mo!" I growled.

"Ako maarte?" Turo nya sa sarili.

"Hindi ako! Ako ang maarte!" I said in sarcastic tone.

"HINDI!"

"MAARTE KA!"

"HINDI SABI EH!" Nagsigawan na kami. Si Manong at ang iba pang mga tao sa paligid namin nakiki-usyoso na din.

"OO SABI EH!"

"H---"

"Nikolo?" Pareho kaming natigilan ng may nagsalita sa likuran ko. Kahit hindi ko lingonin alam ko, kung kaninong boses yun.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon