Chapter 24

2.4K 88 5
                                    

Chapter 24

Jea's POV

"Queency anong meron? Bakit bigla kang nagyayang magjogging? Babae ka, 4am palang ng madaling araw, Ito yung part na kasarapan ng tulog." Panay ang reklamo ni Dorine tapos hinigop yung cup noddles nya.

Tumawag kasi si Queency ng 3am ng madaling araw para magjogging. Salamat at saturday ngayon walang aalahaning pasok. Nang palabas ako kanina ng bahay halos atakihin ako sa nerbyos ng makita ko si Zean sa garden nakaupo wood chair at nagkakape tapos parang walang pakialam sa mundo ni hindi nga ako pinansin tapos ang agang magising.

Katatapos lang namin magjogging. Saglit kaming nagpahinga sa isang circle na upuan dito sa park. Napakalamig ng simoy ng hangin ang dumadapo sa buong katawan ko.

"May importante kasi akung sasabihin." Kinikilig na sabi nya.

"Nako! Queency siguraduhin mo na maganda yang sasabihin mo dahil kung hindi ibubuhos ko 'tong cup noddles sa ulo mo!" Pabiro kung sabi.

Huminga sya ng napakalalim at ngumiti ng makahulugan, "Nikolo and I, Were living in a same house."

"Sus living in a same house lang p--" Naibuga namin ni Dorine ang noddles.

"Huh? Tama ba ang narinig ko? Naglilive in kayo? Paano nangyari? Kailan ka pa? Binuntis ka ba nya ng wala kang sinasabi? Kaya naman pala ang init ng ulo mo kay Jea kasi pinaglilihian mo sya?! OMG ka Queency--Aray ko!"

Biglang bintukan ni Queency si Dorine. Natawa ako. Ang mga pinag-sasabi ni Dorine advance masyado.

"Impakta ka, Buntis agad? Alam mo minsan tinatanung ko sa sarili ko kung bakit kita naging kaibigan." Naiiritang sabi ni Queency.

"Mabuti at hindi sumagot ang other self mo!" Nagpipigil sa pagtawa si Dorine.

I laugh, "Tama na baka mag-away pa kayo dito eh. You mean kayong dalawa ni Nikolo engaged? Paano'ng nangyari?"

"Aha! Dahil sa mga magulang namin. Akalain nyo matagal na pala kaming pinagkasundo. Kung iisipin parang ang stupid kasi new generation na tapos gasgas na din ang ganyan setup pero ito pala ang mag-uugnay samin."

"Totoo ito Queency im happy for you sa wakas mapapasakamay mo na ang taong mahal mo. Congrats friend." Malungkot na ngumiti si Dorine

Inakbayan ko si Dorine, "Don't be sad. Malay mo one of this magkagusto sayo ang taong mahal mo. Antay antay lang pag may time."

"Che! Ewan ko sa inyo!" Tumayo sya, tinapon nya sa basurahan ang walang laman na cup noddles tsaka tumakbo.

Makailang ikot ang ginawa namin sa park bago napagpasyahang umuwi. Heto ako ngayon lakad-takbo ang ginagawa ko medyo malayo kasi ang bahay nila tito. Nakakapagod at nakakahingal tumakbo nabawasan nito ang taba ko. Pagdating ko sa bahay dediretso agad ako sa kwarto tsaka matutulog! Inaantok pa ako!

Sumisikat na ang araw ng makarating ako sa tapat ng gate ng mga Harris. Huminto muna ako ng ilang minuto para magpahinga. Tagaktak yung pawis ko. Sumakit yung paa ko lalo na ang legs ko.

Pagpasok ko sa bahay napansin kung sobrang tahimik ng living room. Nasaan kaya ang archfiend na yun?

Pero ng makarating ako sa kusina. Narinig ko ang kalampag ng kaldero para bang nag-aaway yung ibang kaldero sa iba pa. Tapos may naamoy akung.. teka..? Nagluluto ba sya?

Sumilip ako. At nagulat ako. Si Zean nagluluto! Pinagmamasdan ko sya. Ewan ko ba kung matatawa ako kasi may hawak syang payong ihaharang nya dun sa niluluto nya. Malamang nagprepreto ito. Malapitan nga!

"Anong niluluto mo kuya?" Lumapit ako banda sa tenga nya at bumulong.

Tinapon nya yung payong sa kung saan at pinatay ang gas stove. Humarap sya halatang nagulat. Nagkasalubong ang mga kilay. Hindi ko alam kung dun sa tinawag ko syang kuya o dahil sa pagsulpot ko.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon