Special Chapter - Ang galit ni Scarleth
Scarleth's POV
Saktong pagpasok ko sa gym kaagad ko silang nakita. Bilang kumirot ang dibdib ko. Nanatili ako sa labas ng gym. parang wala akong lakas ng loob upang pumasok. Pinagmasdan ko silang dalawa na nag-aasaran. Nasaktan ako nang makita ko kung paano unti-unting sumisilay ang ngiti sa labi ni Zean.
Thats unfair! Bakit ganon siya umakto? Samantalang wala namang special sa babing yan eh! Bakit palagi ko nalang siyang nahuhuling palihim na nakangiti sa babaing yan!
Bakit hindi ko makuhang ihakbang ang paa ko? Siguro dahil sa sobrang nginig. Nanginginig ako sa galit. Gusto kong saktan si Jea. Gusto ko siyang pahirpan.
Ako dapat ang nasa pwesto ng babaing yan! Ako dapat ang kinakausap ni Zean! In the first place ako ang fiancée niya!
Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Yumuko ako. "What is special about her? Bakit palaging nakukuha ni Zean ang atensyon niya?"
Napatingin sa nagsalita at nikita ko si King.
"Jea is different from other girls in this world. Iharap mo man lahat ng may pinakamagandang mukha sa mundo yung mata at puso ni Zean nakuha na ni Jea." Tumingin siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Marami pang ibang lalaki. Wag mong sayangin ang ganda mo para magpakadesperada sa paghahabol sa taong kahit ikaw mismo alam mong may nagmamay-ari na. Payong kaibigan lang 'to."
After saying that he pass me. I glare on him. Thw nerve of that guy! Sino ba siya sa akala niya? Sino ba siya? Tinawag ba niya akong desperada?
I glare on them.
Tignan lang natin kung mamahalin mo pa si Jea pagkatapos ng gagawin ko sa kanya!
Jea's POV
"ANO BA! BITAWAN NIYO KO! SAAN NIYO BA AKO DADALHIN?! ARAY ANO BA!" Malakas kong sigaw sabay nagpupumiglas. "ZEAN TULUNGAN MO KO!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako dahil sa tindi ng takot. Habng pabalik kasi ako sa classroom ko may biglang humablot sa braso ko. Ang sabi nila hinahanap daw ako ni Zean. Naghihintay daw ito sa labas ng gate. Bakit ba kasi ako sumama? Bakit ba kasi sa tuwing naririnig ko ag pangalan niya hindi ko magawang tumanggi! Nakakainis naman eh! Kung hindi ako naniwala hindi sana ako malalagay sa alanganin.
Bakit palagi nalang ito nangyayari sakin? Ano bang nagawa ko para danasin ko ito? Bakit ba kapag si Zean ang usapan palagi nalang akong napapahamak.
Mama! Papa!
"PAKAWALAN NIYO KO!" Pinaghahampas ko yung mga lalaking dumukot sa akin. May mga takip na ang mga mukha nila. Parang tanga lang eh nakilala ko na ang mga mukha nila.
"BITAWAN NIYO NGA AKO! SAAN NIYO BA KASI AKO DADALHIN!"
"Patahimikin mo nga yan Alfred ang ingay!" Sigaw ng isang lalaking nag-d-drive.
"Okay." Ngumisi silang lahat.
Teka bakit sila nakangisi?
May kinuha yung Alfred sa bulsa niya tapos hindi ko namalayan nakatulog na ako dahil sa panyong nakatakip sa ilong ko.
Zean's POV
"Doremon! Doremon! Tulongan mo ko! Pahiramin mo ko ng gadgets mo!" Umiiyak na sabi ni Nobita.
Tumalim ang tingin ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Damn it! Distorbo sa pinapanuod ko. Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis. Nasa kalagitnaan pa nga lang ako ng story ni Doremon eh! Bwisit talaga!
Sino kaya ito? Baka si Jea?
Lumaki ang mata ko. "Jea?!!"
Napatingin ako sa TV. Dali-dali ko itong pinatay baka kung ano pa ang isipin ng pandak na yun. Ready na sana akong bulyawan siya saktong pagbukas ko ng pinto si Daddy ang nakita ko. Nababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]
HumorNagmahal ako at minahal. Pero hindi siya ang tipo ng lalaking gugustuhin mong makasama palagi dahil sa ugali nito at medyo may pagkaisip bata. He was too bad for me. I feel like im with the devil everyday.. And Fallin for him was never in plan, it j...