Chapter 43

1.9K 67 4
                                    

Chapter 43

Pinisil ni Zean ang kamay ko habang papasok kami ng hotel. Binigyan niya ako ng courage smile. Dito daw gustong makipag-usap ang Lola niya. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabe dahil sa kakaisip kung ano ba ang masasakit na salita ang sasabihin niya tungkol samin, sa akin. Hindi alam nila Mama at Tito Greg na kakausapin kami ng Lola niya. Gusto ko rin ilihim dahil ayokong mag-alala si Mama.

Nilingon ko siya. Basta kasama ko siya alam kung magiging okay ang lahat. Pinagpapawisan ako sa noo habang sakay ng elevator. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Nakaka-panlambot ng tuhod ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako tuwing nakikita ko ang masungit na mukha ng Lola niya, ni hindi ko nga makuhang ngumiti.

"Wait. Tumatawag si Daddy sasagutin ko lang. Stay here." Sabi niya ng makalabas kami ng elevator.

Tumango lang ako at tinanaw ang papalayong si Zean. Bakit kailangan pa niyang lumayo? Ayaw ba niyang marinig ko ang pag-uusapan nila? Hinintay ko siya sa gilid ng elevator.

"Jesha Revira?" Napa lingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Dalawang lalaking naka-black suit at malalaking katawan ang humarang sa harap ko. Mukha silang Butler.

"Ako?" Turo ko sa sarili, "Ay opo nga po! Bakit?"

Sumigaw ako at nagpupumiglas ng bigla nilang hinawakan ang dawalang braso ko. Tatawagin ko sana si Zean ng tinakpan nila ang bibig ko. Binuhat nila ako at sapilitang dinala doon sa isang silid. Hinila nila yung upuan at pinaupo ako. Magwawala na sana ako ng makita ko kung sino ang mga kaharap ko. Naka-upo ang Lola ni Zean habang uminom ng wine kamalmado lang ito habang yung babaing nasa harap ng upuan ay ang madilim at mataray na mukha ni Scarleth. Tinignan niya ako ng masama. Paano nila nalaman na kasama ako ni Zean? Napalunok ako. Feeling ko maling galaw ko kakainin nila ako. Zean nasaan ka na ba?

Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan ng buong kwarto. Napalingon ang mukha ko sa left side. Nangilid ang luha ko sa isang malakas na sampal ang tinamo ko kay Scarleth. Napahawak ako sa pisngi ko at tinignan siya. Galit na galit ang itsura niya.

"Walanghiya ka! Kagabe ko pa pinipigalan ang sarili ko na sampalin ka! Kating-kati na ang kamay ko na patayin ka! Hindi ka talaga nadala no? Binalaan na kita, layuan mo si Zean pero hindi ka nakinig! Ganon ka ba kabobo at hindi mo naintindihan ang sinabi ko? Akin lang si Zean! Akin lang siya!" Galit na galit na sabi niya.

Napayuko ako habang umiiyak. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. I lift my eyes. Pinagmamasdan ko ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Naawa ako sa sitwasyon niya. Ang sakit siguro na hindi ka mahal ng taong mahal mo. Yung binabaliwala ka. Na kahit anong gawin mo walang halaga sa kanya at ang pinaka masakit pa yung masama ka sa paningin niya. Hindi ko pa nararanasan ang ganon at ayokong maranasan dahil hindi ko kaya kapag si Zean naging ganyan sa'kin.

Si Zean 'yun eh.. mahal ko siya.. hindi ko siya kayang ipamigay ng basta-basta.

"I can't i love him so much.." Mahinang sabi ko.

"Mahal? Mahal mo siya? Paano ako? Mahal ko rin siya! Kaya kung tumbasan yang sinasabi mong pag-mamahal mo! Ba't ang damot mo? Bakit hindi mo kayang ipaubaya ang dapat ay akin? Araw-araw palagi kung iniisip kung ano ang kulang sa'kin dahil hindi niya ako makuhang tignan gaya ng sayo.. mas matagal ko siyang kilala kesa sayo pero ni minsan wala siyang naramdaman ni katiting na pagmamahal para sa'kin! What do you want? Money? House? Car? Name it! Shit! O baka gusto mong lumuhod ako para ibigay mo si Zean sa'kin? Sige gagawin ko!"

She wipe her tears. She was about to bend her knee when Zean's Grandma walk near us. She stare at me. Pinilit niyang itayo si Scarleth at nilayo mula sa akin.

"Scarleth stop it! Hindi mo siya ka-uri kaya wag mong ibaba ang level mo sa kanya. Isa lang siyang sampid at walang pinag-aralan na babae. Ang lumason sa utak ng apo ko!" Taas noo siyang sinabi, "Maraming salamat sayo, aminado ako malaki ang pinagbago ng apo ko simula ng makilala ka niya. Pero hanggang doon na lang iyon. My grandson has a fiancee. If you think para kayo sa isa't-isa pwes nagkakamali ka, hindi ko papayagan na ikaw ang papatulan ng apo ko. Hindi ka nababagay sa kanya. Tama ng nilandi ng Mama mo ang anak ko. beside magkapatid na kayo diba? Im warning you, Kapag pinagpatuloy mo ang pakikipagrelasyon sa Apo ko pasensyahan tayo Jea."

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon