Chapter 57
6 A.M. sa Korea…
Nagising ako sa malakas na buzzer mula sa labas. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Ang aga naman mag-deliver ni Kuya Justine ng gatas. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang alarm clock. 6 A.M. pa lang, tapos ang aga niyang mambulabog sa kapitbahay. Kuya Justine talaga.
Ginulo ko ang buhok ko.
Sino si Kuya Justine? Siya yung unang nakilala namin dito sa Korea at siya rin ang nagturo sa amin kung saan pwedeng umupahan ng apartment. Nasa 25 years old na siya. Mabait siya. Madalas kaming bigyan ng gatas. Tall, brown, at handsome, pero ang pinaka-gusto ko sa lahat ay yung dummy smile niya — yung tipong pag tinitignan mo siyang nakangiti, makukulitan ka. Ang kengkoy niya sobra.
Minsan, kapag dumadalaw siya dito, ako ang unang chomi-chika sa kanya kasi ang saya niyang kausapin. Pati si Zean, nakikipagkulitan sa kanya. Sa tatlong araw namin dito sa Korea, masasabi kong naging kaibigan na namin siya.
Nasa Korea kami. Nang gabing iyon, hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin — malayo sa lolo niya, kay Scarleth, sa magulang namin, at sa mga kaibigan namin.
Inamin niya sa akin na matagal na niyang plano ito, kaya palihim niyang inasikaso ang mga papeles ko.
Nang umalis kami, nagulat nalang ako na ready na ang lahat.
Napagkasunduan namin na patayin ang cellphone para walang makaka-contact sa amin.
Kung nagsisi ako? Wala. Wala akong pinagsisihan — hindi ako nagsisi na sumama ako sa kanya.
Tatayo na sana ako nang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Pagtingin ko, ang binti ni Zean. Ginawa ba naman akong tandayan? Urgh, ang bigat ng legs niya.
Dahan-dahan ko itong tinanggal, pumikit ako sa inis nang biglang ilagay niya ang braso niya sa tiyan ko at siniksik ang ulo niya sa leeg ko at hinalikan ito. Nakiliti ako sa ginawa niya.
“Good morning, my love.” He said in that sexy bedtime voice.
Mas hot pa siya sa umaga. Grabe, ang gwapo niya talaga. Ang sarap ng feeling na gigising kang katabi ang mahal mo. Hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko.
“Nasa labas na si Kuya Justine, kukunin ko lang ang milk.”
“Mamaya na! Hayaan mo muna siyang maghintay diyan sa labas. Kailangan ko ng body heat, eh.”
Niyakap niya ako nang mahigpit.
Yeah. Super lamig talaga sa Korea. Balot na balot ako sa damit, tapos malamig pa rin. Naninibago pa rin ako sa klima.
“Zean naman eh!”
“Okay, fine!”
Tumayo kami. Inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto.
Si Zean, diretso sa banyo.
Gaya ng dati, naka-ngiti pa rin siya kapag binubuksan ko ang pinto, tapos biglang magpo-poker face. Nasanay na ako dahil ganyan talaga siya. Inabot niya sa akin ang gatas.
“Bakit ang tagal mong buksan ng pinto? Napud-pod na ‘tong daliri ko sa kakapindot ng buzzer. Hindi porket kaibigan ko kayo, eh paghihintayin niyo ako. Marami pa akong trabahong gagawin.” Sumilip siya sa loob, “Pero may alam muna.”
Tumaas-baba ang kilay niya habang sinasabi iyon, para bang may sekreto siya na pinaalam sa akin. Natawa na naman ako sa expression niya. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.
“Ang aga mo, kung sermonan ako makiki-kain ka lang pala, tapos di ka man lang bumati ng good morning…” Tawang-tawa ako. “Saglit lang, magluluto muna ako.”
Pinaupo niya ang sarili sa upuan habang ako naman ay nagsimula ng magluto.
“Pasensya na, hindi pa kasi ako nag-aagahan. Sarapan mo, Shasha ah!”
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
