Chapter 04 -Coincidence Or Scheme?

4.3K 148 50
                                    

Chapter 04 -Coincidence Or Scheme?

“Psst, pagkatapos nito mall tayo?” Nagseserve si Queency ng lugaw habang sinasabi ‘yun.

Hindi sa nagmamayabang pero dinadayo ang lugaw namin dahil sa sekretong timpla ni mama. Gaya ngayon maraming tao. ‘Yung ibang customer tumatawag pa para magpadeliver.

“Marami daw sale ngayon. So excited!” Segunda ni Dorine.

“Ipaalam niyo ako kay mama baka hindi ako payagan.” Sabi ko habang nilalapag ang orders na lugaw.

“Kami ng bahala sa‘yo.” Bulong ni Dorine.

“Jea, anak pakihatid ng limang order na lugaw kina Aling Susan kanina pa niya ito hinihintay.” Sabi ni Mama.

“Opo.” Hinubad ko ang appron at kinuha ‘yung plastic kay mama, “Aalis na po ako.”

Saktong pagbukas ko ng pinto may isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Customer siguro kaya hindi ko na tinignan.

“Sir, pasok po kayo sa loob.”

Dadaan sana ako sa right side nang humarang ang lalaki sa harapan ko. This time napaangat ako ng tingin halos manlaki ang mata ko sa nakita.

Paano niya nalaman na nandito ako?

“Shit. What a coincidence! Ito pala ang business niyo?” He smirked.

“Ano‘ng ginagawa mo dito? Are you stalking me?”

“HAHAHA! kapal ng mukha mo! Gasgas na ‘yang banat mo. Napadaan lang ako.”

“Pwes! Wala akong panahon makipag-usap sa‘yo, tabi diyan!” Tinulak ko siya at dire-diretso naglakad palayo.

Asar!! Nakakainis ‘tong si Zean for sure sinadya niya ipahanap kung nasaan ako para bugbugin ako. OKfine. Magbubugan kami hindi ako patatalo sa kanya or Uutusan? Duh?! As if magpapautos pa ako baka assuming lang ako, baka gusto niyang kumain pero malabo sa unang tingin mo palang kay Zean masasabi mong napakaARTE niya.

“Damn! 30 minutes kong hinintay ang paglabas mo tapos tatalikuran mo ko?! I’m hungry lets eat!” May naramdaman akong humawak sa kamay ko at hinigit papasok sa kotse.

“Argh! Sinabi ko bang hintayin mo ko? saka nasa akin ba ang bituka mo? Edi kumain ka mag-isa mo! May trabaho pa ako! buksan mo ‘tong kotse mo!”

Nakakayamot!!! Hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse niya.

“Naka-authomatic lock ‘yan kaya hindi mo mabubuksan ‘yan. Sinasayang mo lang ang lakas mo. If i were you, i tell myself to shut up! Just set back and relax.” Kaswal na sabi niya habang diretso ang tingin sa daan.

“HOY!! HALIPAROT NA LALAKI SAAN MO AKO DADALHIN?!” Sinigawan ko siya malapit sa tenga.

“Aw shit! Shut up you make me deaf! Urgh fuck!”

“Ihinto mo ang sasakyan baba ako!”

“Damn it! No!” He cursed.

“Hinto mo!”

“No! I‘d really like to beat the hell out of you!” He glare at me.

Bakit ang sama niya mag-glare? parang kakainin niya ako. his expression, its beyond scary.

“He..he.. continue.” Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Tumigil kami sa isang restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at malakas na hinigit papasok sa loob. WOW! ANG GENTLEMAN NIYA HUH? GRABE, NA-TOUCH KO ANG SWEET! PWEH.

“Good morning sir/mam what‘s your order?” Tanong nu‘ng waitress ng makaupo kami sa table. She‘s wearing her most flirtious smile on Zean. Landi mo teh!

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon