Chapter 49

1.1K 100 21
                                    



Abby's POV

"Abby, iha."

Sandali kong itinigil ang pagkakabit ng dekorasyon sa pader nang tawagin ako ni Sister Mary.

"Sister.. Bakit po?" nginitian ko ito.

Ngumiti rin naman ito pabalik bago sumagot, "Nar'yan na sila."

Bahagya namang kumunot ang noo ko at napatingin sa gawi nina Coleen, Mari, Jaydee, Brei, at Amy na kasalukuyang nagtutusok ng mga hotdogs at marshmallows at nagtutulungang magbomba ng mga lobo na ikakalat sa buong paligid ng playground ng orphanage.

It's my little boy's birthday today kaya naman inaya ko sina Coleen na samahan akong maghanda at gawing memorable ang araw ni Liam dito sa orphanage. Hindi naman sila tumanggi kaya naman abo't-langit talaga ang saya ko.

I also tried to invite Becka but unfortunately, they have a gig later tonight. Rumaraket rin kasi ang dalawang 'yun paminsan-minsan kahit hindi na nila kailangan dahil stable naman ang buhay nila. Let's just say pinagpala lang rin talaga ang mga mahal kong kaibigan dahil sa napakagandang boses ng mga ito.

Buti na lang at nagkataong nakatambay rin sa bahay nina Coco sina Mari, Jaydee, Brei at Amy nang mapadaan ako para ayain ito sa surpresa ko para kay Liam. Natanong ko naman kay Amy kung bakit hindi nito kasama sina Yssah at sabi lang niya'y nag-out of town ang pamilya nito. Samantalang si Klaire naman daw ay sinamahan ang bestfriend nitong si Miho para i-meet ang taong nakilala "raw" nito sa internet—sa mall. Sumama na lang si Amy sa amin dahil wala naman na raw siyang gagawin at base pa sa batang 'to ay gusto niya ring makilala ang batang nagpalambot sa napakatigas kong puso pagdating sa mga bata.

And here we are.

"Sila? Sino pong 'sila', Sister Mary?" bago ko pa man maitanong ay naitanong na ni Coleen.

"Si—" naputol ang sasabihin ni Sister nang biglang umalingaw-ngaw sa buong playground ang isang sigaw.

"Liaaam!"

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Damn..

Sumunod dito ang tunog ng mga maliliit ngunit mabibilis na hakbang ng mga paa ni Liam na patakbong lumapit para yakapin ito.

Of course, she came.

Sino bang niloloko mo, Abby? Natural, pupunta 'yan. Birthday ni Liam at hindi niya papalampasin ang araw na ito nang hindi niya nakikita at nakakasama ang batang 'yun. She had to be here today.

Okay, time to man up. Be professional, Abby. At least, be civil for Liam. Anything for Liam. Just for Liam.

"Baby, I missed you!" fighting the urge to smile, I turned my back on them and continue what I was doing a while ago.

"Sese..." bahagya kong ibinaling ang ulo ko sa kaliwa nang marinig ko ang mahinang tinig ni Liam.

Sese. Yes, he's talking about Sela. I don't know how he came upon that but there's this one time that I showed him one of Sela's pictures while we're lying down on the playground with him being on top of my stomach, he just mumbled Sese in his baby tone and that's when I smiled from ear to ear because that's his first word y'all!

"S-Sese..? What do you–wait, do you mean Sela? My name? Did you just–?! Omg, I love it, baby!!!" hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman na iniipit na nito sa mahigpit na yakap si Liam. "Happy birthday, baby!"

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon