Agaw pansin ang grupo nila Abby sa cafeteria ng araw na iyon.Sa pangunguna nga naman nina Brei, Coleen, at Amy, hindi maiwasang mapatingin ang ibang tao sa kanilang gawi dahil sa kaingayan ng mga ito.
"Teka lang guys. May tanong ako." biglang pagtigil ni Brei sa ingay ng kanilang grupo.
"Ano na naman 'yan ate Brei?" may pagdududang tanong ni Coco.
"'Pag 'yan puro kakornihan mo na naman Brei ha." dugtong naman ni Sheki.
"Waw. 'Di hamak na mas korni ka naman sa'kin ate Sheki! Kaya nga 'di ka pa sinasagot nitong si Capt eh. 'Di ba Capt?" sabay lingon nito kay Alice na kasalukuyang seryosong kausap si Rans at Abby.
"Capt, huy!" Brei tried to get her attention but it seems like they're really having a serious talk.
"Kapteeeyn." sa pagtawag ni Gabb dito ay doon na napaharap si Alice at nakataas ang dalawang kilay na tumingin sa kanila ito.
"Ha?"
Everyone on the table except Abby and Alice prevents themselves from facepalming after seeing Alice's expression.
Mula sa pagpipigil ng tawa ay nagsalita na si Jem na kasalukuyang nakasandal kay Dana, "Kelan mo daw sasagutin si Sheki..."
Lahat ay nabaling ang atensyon kay Alice at iniintay ang sagot nito.
"..."
Bigla namang sumingit sa katahimikan si Shekinah na nagpakamot-ulo sa lahat.
"Huy, baliw kayo. Ayos lang naman 'yun. Tsaka ano ba kayo, kaya kong mag-int—"
"Soon."
The table suddenly fell into silence.
"S–Soon...?" gulat na tanong ni Sheki kay Alice dahil hindi pa rin ito makapaniwala sa kanyang narinig mula sa bibig ng dalaga.
"Hep, hep, hep. Tama na 'yan. Medyo napapalayo na tayo ah." pagputol naman ni Ecka sa nabubuong usapan.
"Oo nga. Ate Brei, ano na nga po pala tanong mo?" all eyes immediately turned back to Brei when Miho asked that.
"'Yan tayo eh. Buti pa 'tong si Miho naalala ako." kunwaring malungkot na reklamo naman nito.
"Bilisan mo na. Ano ba 'yun?" ito ang unang pagkakataong narinig nilang magsalita si Abby simula nang makarating sila sa cafeteria kanina kaya 'di maiwasang mapadako ang atensyon nila dito.
Pero dahil sa takot na baka mawala na naman sa mood ito ay nagpatuloy na si Brei sa kan'yang kwento.
"Nakita niyo na ba 'yung bagong transferee?"
"Transferee? Sino?" Jaydee asks.
"So hindi niyo pa nga siya nakikita?" paninigurado ni ate Brei.
Sumabat naman si Daryll sa usapan, "Babae? Maganda ba 'yan?" nakatikim naman ito ng pingot sa tenga mula sa katabi nitong si Laney. "A–Ar–ray!! Sorry na! Nagtatanong lang naman eh."
"Tanong mo mukha mo." after saying that, Laney rolled her eyes to Daryll.
"So ano nga Brei, maganda ba?"
"Alam mo ikaw Ecka, isa ka pa eh. Halika nga dito nang masampolan kita ng hinahanap mo." naiiritang ani ni Belle.
"Ikaw lang naman hinahanap ko e." nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Ecka matapos itong bumanat kay Belle na lalo namang nagpaingay sa kanilang table dahil sa kantyaw ng mga kasama.
BINABASA MO ANG
Spiking My Heart To Yours
FanficA bully Team Captain and a strict Vice President. Two adjectives that just don't blend. [TAGLISH] Date Started: April 21, 2020 Date Ended: April 21, 2021