Chapter 39

1.4K 96 20
                                    


Abby's POV

"Eto na oh."

"Ayoko."

"Eto na nga, kunin mo na kasi."

"Abby, ano ba? Ayoko nga n'yan." muli nitong inilayo sa sarili ang ice cream na kanina ko pa sinusubukang ibigay sa kanya.

"Marselaaa. Sorry na kasi." I pouted in front of her to look sad but she just rolled her eyes.

It's been two days that she's avoiding me after that particular incident.

Hindi ko naman siya masisisi kasi masakit nga naman makita 'yung taong gusto mo na kausap 'yung taong minsan na niyang minahal.

Friday ngayon at nandito kami sa court dahil volleyball ang PE namin. Pero kasalukuyang naka-upo kami sa bench dahil break time daw muna sabi ni Coach.

We're all wearing our PE uniforms and this girl is really cute in her outfit. 'Di nga lang ako pinapansin.

Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kung sino si Ken sa buhay ko at kung anong meron sa past namin. I don't know. I just don't feel like telling her about my past 'cause it might just do something to our current relationship that I wouldn't even want to happen.

Okay na siguro 'yung ganito, after all, matagal naman na kaming tapos. And my relationship with Sela right now has nothing to do with Ken.

"Ate!" napalingon ako sa tumatawag sa akin at si Coco pala ito.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Tawag na tayo ni Sir Jigs."

"Ah, sige sige. Sunod na 'ko. Sheki, mars, una na kayo. Sunod na lang ako." I signaled them and they obliged without saying a word.

Pagkaalis ng mga ito ay muli kong tiningnan si Sela na ngayon ay kumakain na ng ice cream na binigay ko. Napangiti naman ako dito.

"Mars--"

Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko nang tumayo ito at akmang aalis na.

"Mars, wait lang.." pigil ko dito pero tiningnan lang ako nito habang kinakain pa rin 'yung ice cream na galing sa'kin.

"We'll just talk later." she coldly said.

Dahil wala naman akong magawa ay tahimik na batang sumunod na lang ako dito habang nag-lalakad ito pabalik sa court.

"Okay, ngayong present na ulit ang lahat. I will now divide you into two groups. Since apat lang ang part ng women's volleyball team dito, I called four other men from our school's volleyball team."

Lumapit naman sa amin sina Christian, Mackie, Dave, at si Justin na captain ball. Sila ang madalas na first six sa line up tuwing may laban ang mga ito and we're on the same page so kilala ko rin ang ilan sa kanila.

Hinati na kami sa aming mga tuturuan at sa kasamaang palad, well, hindi naman sa masama, malungkot lang. So sa malungkot na palad...ay, parang mali. Aysh, english na nga lang.

Unfortunately, I will not be Sela's trainer dahil napunta ito sa grupo na ang mga lalaki ang mag-tuturo. Hay.

Nag-umpisa na ang lahat at pumunta na sa kani-kanilang posisyon. Digging, serving, at tossing lang muna ang pinagawa ni Sir Jigs dahil medyo mahirap pa raw ang spiking at blocking.

Nang matapos ang tatlong positions ay pinap'westo na kami ni Coach malapit sa net bago ito mag-salita.

Nakalimutan kong sabihing si Sir/Coach Jigs din ay assistant Coach ng volleyball sa university na ito kaya isa rin siya sa mga PE teachers.

"This round, we'll be doing first the spiking or attacking. Last na 'yung blocking kasi paano ka nga naman mag-bablock kung walang mag-aattack or hindi ka marunong umatake, alright? Let's go!!"

Pinapila ko na ang mga nasa linya namin nila Coleen upang mag-umpisa na. Dahil apat nga lang kami ditong part ng volleyball team sa girls at may klase pa ang iba, si Sheki ang taga-habol ko ng bola, si Ecka naman ang taga-abot sa akin habang si Coco naman ay taga-ayos ng pila ng mga students.

Before I start to teach these students on my team, I took a quick glance at Marsela to check if she's doing okay. Mamaya matamaan na naman ng bola, hindi ko na alam kung ano pa'ng gagawin ko if ever that really happens.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang mga mumunting tinginan nito at si Justin. I don't know if I'm just hallucinating or they're really looking at each other from time to time.

"One, two, three..!" tinoss ko na ang bola sa ere upang i-spike naman ng babaeng nasa linya at natamaan naman nito ang bola.

Sa pagkakatanda ko ay siya si Cole. Alam kong mas matanda si Coleen dito pero hindi hamak na mas matangkad naman itong si Cole.

"Nice, next!" sigaw ko.

Ilan pang mga estudyante ang na-setan ko at si Mari na nga ang susunod.

Nakasimangot pa ito na ikinatawa naman namin nila Ecka at syempre mas lalong ikinatawa ni Coleen.

"Babe, okay lang 'yan! Si ate Abby naman mag-tuturo sa'yo eh." pag-cheer ni Coleen dito.

"Ehhh! Mamaya matamaan pa 'ko niyan eh!" naiiyak na sabi naman nitong si Mari.

"Hahaha, ako bahala sayo! Ano ka ba, bola lang 'yan. Baby ka ni Coco!" pang-aasar ko naman.

"Yieeeee..." dagdag pa nina Ecka.

Nag-tawanan naman lahat ng mga nakarinig kaya hindi maiwasang maka-agaw kami ng atensyon sa iba.

Pati si Coach Jigs ay natawa na rin pero maya-maya din ay nilapitan ako at binatukan na mas ikinatawa naman ng lahat.

I suddenly remembered Sela so I tilted my head to the side and regretted my action instantly.

She's laughing but not with me. She's laughing with that Justin. Ito din kasi ang taga-set ng bola sa group nila and it's Sela's time to spike the ball. I don't know what they're laughing at or they're talkin' about that made her this happy but I don't give a damn.

"Sakit 'no?" nagulat naman ako ng may kung sinong bumulong sa tenga ko at si Ecka pala ito.

"Ulul." basag ko naman dito at inumpisahan nang turuan si Mari.

Ilang beses nitong inilagan ang bola na ikinatawa na naman ng iba pero wala na ako sa mood para mag-saya pa. The painful view a while ago makes me really feel sick as hell.

Sa blocking positions na kami at kaunting estudyante na lamang at matatapos na kami, hudyat na matatapos na rin ang oras ng klase ni Sir Jigs.

Ngunit sa kalagitnaan ng aming mga pawis sa pagtuturo ay isang sigaw ang nakatawag ng pansin ng lahat.

"AAAAAH!"

Napatingin kami sa direksyon nina Sela at hindi nga ako nag-kamali. Pag-mamay-ari ni Sela ang boses na iyon.

Naka-upo ito sa sahig na halos nakahiga na rin habang hawak-hawak ang binti nito. Dumadaing ito sa sakit kaya naman nag-desisyon akong lapitan ito.

Ngunit hindi pa ako nakakarating sa kanya ay isang masakit na senaryo na naman ang natuklasan ko.

That guy Justin bent in front of her and carry her in bridal style.

"What...the...freak?" rinig kong sambit ni Sheki.

Hindi ko na narinig pa ang ibang mga sinabi ng mga kaibihan ko dahil tumakbo na ako para iwan sila.

Hindi para umuwi at doon mag-hagulgol, kundi para puntahan 'yung taong mahal ko. Dahil alam ko, ramdam ko, sa mga ganitong sitwasyon ako dapat 'yung nasa tabi niya dahil ako 'yung mas kailangan niya.

Aysh, ako dapat 'yun eh!

"Abby! Wait lang!"

















🏐

Miss me? :((

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon