Chapter 29

1.5K 98 12
                                    


Abby's POV

"You ready?" I asked Sela after she went outside their house to meet me here at their gate.

"Oum.." she nodded.

Pasado alasyete na ng gabi at papunta na kami sa bahay nina Dana para mag-sleepover. Dinala ko nalang 'yung audi ko since masyadong delikado kung mag-momotor kami ng gabi.

I mean, hindi naman delikado kung ako lang 'yung sasakay. Ang kaso, that's not the case. Knowing this girl, baka ibalibag lang niya sakin 'yung helmet ko 'pag nakita niyang motor 'yung dala ko instead of my car. Aysh, nevermind.

"Thanks," she mumbled after I opened the door from the shotgun seat for her.

Marahan naman akong tumakbo upang makapasok sa drivers' seat.

After I buckled our seat belts for safety, I then turned on the engine to start the drive.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Dana dahil hindi naman ito kalayuan. Maririnig mula dito sa labas ang ingay sa loob ng kanilang bahay kaya alam namin na andito na ang lahat.

After I open the door of the shotgun seat, I offered my hand to Sela and she happily grabbed it.

I stepped forward to press the doorbell and the maid instantly opened the gate for us.

Bitbit sa kabilang kamay ang three boxes of pizza, at hawak ko naman sa aking kabilang kamay ang malambot na palad ni Marsela, pumasok kami sa loob ng bahay nina Dana.

"Look who's here!" umalingaw-ngaw sa buong living room ang boses ni Sheki nang bigla itong sumigaw nang makita kami.

"Oh, Sela, Abby, pasok kayo." Dana politely invited us to come inside.

Napatingin na rin ang ibang busy sa kani-kanilang ginagawa sa gawi namin ni Sela.

"Uhm, pizza kayo...jan?" I asked them awkwardly while lifting up my hand which held the boxes of pizza.

"Waaaaaaaaaah!!!"

The next thing I know, Sela removed her hand from my hold and I'm left being sandwiched by these dorky friends of mine.

"Aray—Ecka! Napakabigat mo..!" reklamo ko, pa'no ba naman kasi, talagang dinag-anan ako ng mga 'to.

"HAHAHAHA!!" tawa naman ng ibang girls na nanonood lang sa'min.

"Whoooh! 'Kala mo mga hindi nag-kita sa school kanina eh." I exclaimed.

Lumapit si Coleen sa akin pagkatapos kong tumayo mula sa sahig at kinuha ang tatlong karton ng pizza, "Hahaha, sorry na 'te Abby. Akala namin 'di na kayo pupunta eh."

Umupo muna ako sa tabi ni Sela dito sa couch at pasimpleng inakbayan ito, "Muntik na, actually. Buti na lang pumayag 'tong parents ni Sela nu'ng sinabi kong kasama naman ako dito sa sleepover. We're all aware naman that her parents are really strict just by talking about her safety."

"Ahhh..." sang-ayon naman ang iba.

"Baka gusto mong tulungan kami dito Abelaine, at hindi kung sa'n-sa'n napapadpad 'yang kamay mo.." natawa naman ang ilan dahil sa sinabi ni Brei kaya kinuha ko ang isang unan mula sa couch at ibinato ito sa gawi niya. Naka-ilag naman ang huli habang bahagyang tumatawa.

Tumayo na din ako at tinulungan silang i-set up 'yung tv para sa gagawing movie marathon mamaya.

Busy ang lahat dahil sa kanya-kanya nilang ginagawa. Ang ibang girls na sina Sela, Jem, Ella, Mari, at Alice ay nasa kitchen kung saan nag-aasikaso ng aming kakainin mamaya para nga sa aming night activities.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon