Chapter 17

1.5K 92 0
                                    


"PRRRT...!"

Our eyes went wide when a loud whistle pierced our ears.

"Takbo! Bilis!" bigla naman kaming napatakbo nang marinig namin ang sigaw ni Sheki.

Hinawakan ko sa kamay si Brei at mabilis na tumakbo.

"Tigil!" sigaw ng dean mula sa likod.

Hindi kami tumigil hanggang sa dalhin kami ng mga paa namin sa gym. Dali-dali namang pumasok si Sheki sa loob at sinundan namin ito.

Mukhang sinusuwerte pa nga dahil naabutan namin si Abby na papalabas na ng gym. Nakasabit sa kanang braso nito ang kanyang polo samantalang kinakabit naman nito sa kaliwang kamay ang isang relo.

And because of the sound coming from the entrance door of the gym, she looked up and went surprise when she saw us running towards her.

"Oh, Lara, Brei, Sheki... Sa'n kayo galing? At saka ba't ba kayo tumatakbo?"

Hingal na hingal naman kaming tumigil sa harapan niya.

"E kasi ate, hinahabol kami noong dean! Itago mo kami bilis!" natatarantang sabi ni Brei.

Nagtataka namang tumingin sa amin si ate Abby, "Huh? Paanong hina–"

"Sabi ko na nga ba't nandito kayo eh."

Napapikit na lang ako nang umalingaw-ngaw sa buong gym ang tinig ng isang lalaki.

We're all facing Abby so we cannot see his face. Dahan-dahan kaming humarap at alinlangang ngumiti agad sa dean.

"H-Hi, sir? hehe..."



Sela's POV

"KAYO NA NAMAN?!"

I closed my eyes and facepalmed myself when sir Paulo's voice echoed in the room.

Nandito kami ngayon sa office ng students council kung saan kasalukuyang nakatayo ang apat na gunggong sa harapan namin ni sir Paulo at Alice.

Gumagawa kami ng research paper ni Alice dahil mag-partner kami nito sa Physics, nang biglang pumasok si sir Paulo kasama ang mga nagsisisihang sina Brei, Lara, Sheki, at Abby.

"Womens Volleyball Team!!! Kayo na naman ang pasimuno ng kalokohan! Hindi na talaga kayo magtitino ano?" the next thing he said made us all looked up to him. Literally.

"Baka gusto niyong ipa-ban ko ang volleyball sa school na 'to?!"

Siya kasi ang dean sa university na ito at kaibigan pa niya ang chancellor which is second to the highest position in the university so everyone is also scared of him.

"Sir, no!" Abby instantly disagrees.

"Wala naman pong ganyanan, sir." reklamo naman ni Sheki.

"Lalo ka na Trinidad! Ikaw pa mandin ang Team Captain ng grupo niyo!"

"Sir, hindi naman po namin sinasadyang—"

Sinubukang dumipensya ni Lara pero hindi na siya pinatapos ng dean.

"I don't need your pathetic reasons! Sela! Alice!" hinarap kami nito.

"Sir?" sabay naming tanong ni Alice.

"I don't tolerate students who do not even know how to not tolerate their wrong doing! Give these four a detention!" natahimik ang buong office dahil sa galit na galit na sinabi ng dean.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon