Chapter 12

1.6K 97 7
                                    


Abby's POV

"Lakas din nu'ng prof na 'yun 'no?"

"Tsk, buti nga sa kaniya." inakbayan naman ni Sheki si Dana. 'Kala mo talaga.

"Nangalay kaya ako kakatayo!" dagdag pa nito. Natawa naman kami sa kaniya.

Napagdesisyunan naming sama-sama nang kumain dahil lahat naman kami ay sa cafeteria rin ang punta.

Hindi nga lang nakasama si Dana nang liliko na kami sa hallway dahil sasamahan pa raw nito si Jem sa library, tinatapos daw nito ang kaniyang research paper.

Pansin kong naging close na rin ang dalawang 'yun after nu'ng nangyari.

We all went inside the cafeteria and immediately spotted Brei and Ella at one of the tables here in the caf.

"Brei! Ella!" you know already who's the owner of that voice.

Ella and Brei turned their head to look at our direction and immediately smiled after recognizing us.

Inaya kaming lumapit sa table nito at siya namang ginawa namin.

Lumapit agad si Gabb kay Ella at niyakap ito. Kami naman ay nagsi-upo na sa mga bakanteng upuan at hindi ko rin alam kung anong nangyari pero katabi ko na si Marsela ngayon.

"Kanina pa ba kayo dito, guys?" tanong ni Alice habang inaayos nang bahagya ang bangs ni bonita. Tuwang-tuwa naman si gaga.

"Hindi naman, capt. Kakatapos lang din ng second subject namin eh." sagot naman ni Brei.

Alice just nodded and we all decided to order our food. Nauna akong makabalik sa table namin. Sumunod naman sina Ella at Gabb, nasa likod nito si Sela at ang iba ay 'di pa yata tapos umorder.

Knowing Sheki, she orders a lot.

And eats a lot.

And of course, buraot a lot.

We decided to wait for the others before we start eating.

Tahimik sa table at may sariling mundo sina Gabb at Ella. Tahimik naman itong katabi ko so I decided to remove the dead air.

"Sela/Abby.." I looked at her and she's looking at me too.

"Ikaw muna/Ikaw muna." we both laughed.

I put my arm on the table and supported my chin.

I look at her and smiled, "Sige na, go ahead."

"Uh, t-thank you ulit sa kahapon. Y-You know... Ah! 'yung jacket mo pala, don't worry I brought it. Nasa locker ko, ibabalik ko lang sana sa'yo." she says.

I chuckled at what I heard.

"Talaga? Dinala mo?" I innocently asked her.

"Oum! Tsaka if iniisip mong madumi na 'yun, hindi ah! It's not, ang totoo niyan pinalabhan ko pa nga bago ko tuluyang ibalik sa'yo. Nakakahiya naman kasi, baka hygienic kang tao." nahihiyang tugon nito.

Argh! Pwede ko bang iuwi 'to?

"No no, I'm just kidding. Masyado ka namang seryoso, hahaha. Actually, I'm not planning to get my jacket from you. Sa'yo na 'yun, tsaka para magamit mo rin pag lalabas ka or hangout with your friends."

Napansin ko namang nagulat ito.

"Huh? Seryoso ka? No need, I actually have lots of jackets. Hindi ko lang talaga naisipang magdala that...day." medyo umiwas ito ng tingin sa'kin pagkasabi niya ng huli.

"Whatever. Basta, it's yours now. 'Wag mo nang ibalik sa'kin kasi hindi ko rin tatanggapin 'yun. Sige ka."

She rolled her eyes, giving up already, "Fine. O-Okay."

Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba at nag-umpisa na kaming kumain.

"Dami naman niyan, Sheki. Sa'yo ba lahat 'yan?" pagbasag ni Brei sa katahimikan.

"Oo nga, 'kala mo buwaya kakain eh." Lara.

Sinamaan naman sila ng tingin ni Sheki tsaka nagsalita, "Grabe naman kayo... Oo akin lahat 'to! Ba't ba! Gutom ako eh." sabay subo nito ng fries.

"Kain nga nang kain, mambuburaot naman mamaya. Wala rin." pang-aasar na naman ni Brei dito.

Sumipsip muna ng milktea si bonita bago sumagot, "E ano naman kung buraot? Busog naman!"

Nagtawanan naman ang lahat ng nakarinig sa loob ng cafeteria including our table dahil sa sagot ni Shekinah.

Natapos kaming lahat kumain at naghiwa-hiwalay lang nang magpunta kami sa next subject namin.



Sela's POV

"Class dismissed."

Somebody groaned and some of us sighed in relief. Natapos din ang last subject at uwian na.

Nagsilabasan na ang lahat ng estudyante at tinawag ko naman si Mari, kaklase ko kasi ito sa last subject.

"Yes, ate?"

I got my small bag first before saying, "Bebe, favor naman oh. Samahan mo naman ako sa locker saglit. I need to get something from my locker lang." I pouted in front of her.

"Eh? Sure ate. Let's go!"

Nakarating naman agad kami sa hallway kung saan nakalagay ang mga locker namin. Mahaba at malawak ang sakop ng lockers dito kaya makikita mo agad ito kung pupunta ka ng gym o office ng sc.

Kinuha ko naman agad ang jacket ni Abby sa loob at ni-lock na agad ito.

"Kaninong jacket 'yan, ate?" napatingin ako sa jacket na hawak ko at ngumiti sa kaniya.

"W-Wala. May nagbigay lang." parang 'di naman ito naniwala sa sinabi ko dahil nagtanong pa ito.

"Sus. Baka sa secret admirer mo 'yan 'no? Yieee, ikaw ate ah." pang-iintriga pa nito.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik nang sagutin ko ito.

"Sira. Ikaw, kamusta na kayo ni Coleen?" medyo natigilan naman ito sa tanong ko. Sabi na eh.

"Huh? K-Kami ni Coleen? O-Okay naman..." I just smiled at her answer.

"That's good. Basta 'pag sinaktan ka niyang si Coco, 'wag kang mahihiya magsabi sa'kin ah!"

"Nako ate, mukhang hindi naman ganu'n si Coco eh. Bait niya kaya, sweet pa." parang kinikilig pang depensa nito.

"Sus, e isa ring Trinidad 'yun eh. Malay natin, manang-mana pala sa pinsan 'yun." I said.

"Si ate Abby ba? Alam ko hindi naman daw 'yun ganu'n dati eh."

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya, "What do you mean?"

"Hindi mo alam? Sobrang bait daw niyan ni ate Abby dati. Don't get me wrong ha. Well, mabait naman talaga siya. Pero sabi ng iba, hindi naman daw 'yan ganiyan kapasaway dati at tsaka matalino 'yan si ate Abby.

It's just that, something happened before. At dahil daw sa nangyaring 'yon noon, naging ganiyan na siya. And that's the thing I do not have any idea about. Maski si Coleen I once asked her but she always keeps her mouth shut. Ayaw niya raw pangunahan 'yung pinsan niya kaya hindi ko na lang ulit inopen 'yung topic."

I just nodded quietly at her. I couldn't even process everything I heard just now.

Nang makarating kami sa labas ng school ay nagpaalam na si Mari dahil sasabay raw siya kay Coleen.

"Sis!" I saw kuya Ugi stopped his car in front of me and that's the sign for me to hop in.

Habang nasa byahe ay hindi ko naman maiwasan ang mag-overthink sa mga nalaman ko kanina.


Abelaine...


What really happened to you back then?

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon