Chapter 10

1.7K 102 15
                                    


Sela's POV

Magkaibigan lang ba talaga 'to?

Ganu'n ba sila ka-close para magyakapan nang sobrang higpit sa loob ng mall?

Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Abby at Rans na kasalukuyang nag-uusap na.

"Three days kasing hindi naka-attend ng school si Rans, nagkasakit siya." napalingon naman ako kay Brei.

"Huh?"

"Anong huh? E kanina mo pa tinitingnan 'yung dalawa eh. Don't worry, magtropa lang 'yan. And that thing will never change." then she winked at me.

I just stared at Brei quietly.

"Wala naman akong pakialam kung ano sila. It's not even my business."

She shrugged, "Sabi mo eh."

Habang kumakain kami sa Mcdo ay tahimik lang ako. Lalo na nu'ng umupo siya sa harapan ko.

Ewan ko ba. Ang awkward pa rin kasi. Tsaka hindi naman talaga kami close in the first place. So wala naman sigurong makakapansin na hindi kami nagpapansinan nitong si Abby.

After we're done eating, we decided to go arcade. I feel that someone is looking at me and when I moved my head to the side, I saw her, I saw Abby looking at me.

Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay bahagya itong nag-iwas ng tingin.

Pumasok na kami sa arcade at dali-dali namang nagpapalit ng token ang mga kasama ko.

Nang makapagpapalit na kami ay kaniya-kaniya na silang punta sa mga machines para maglaro.

Sina Alice, Sheki, at Brei ay nagpunta agad sa claw machine. Tss, as if naman may makuha kayo jan. May sumpa yata 'yang machine na 'yan eh.

Sina Ella at Gabb naman ay nag-umpisa nang maghulog ng tokens sa Just Dance, minsan ay salitan sila nina Coleen at Mari rito. Si Ecka naman ay nag-ingay gamit 'yung electric guitar kineme para makakuha ng points.

While me, naiwan akong paikot-ikot lang dito sa loob ng arcade dahil hindi ko alam kung anong susubukan kong laruin.

Siguro nagtataka kayo kung nasa'n si Abelaine? Me too, I don't know. Baka nag-cr. Whatever.

Napatingin ako sa basketball stall sa harapan ko. May isang naglalaro sa gilid pero tingin ko ay nasa age seven lang ito.

Lumapit ako sa stall na walang naglalaro at hinawakan ang bola.

Tahimik ko itong pinagmasdan sa kamay ko...

Para lang akong nags-shoot ng music video kung iisipin, pero 'wag niyo nang isipin.

I decided to get two tokens from my pocket and ready myself to play.

I honestly don't know how to play basketball. Hindi ako sporty na tao but sometimes, I get along with my kuya Ugi when he's watching UFC fighters in our living room.

The machine's time starts to count and I finally held the ball to shoot it on the ring.

First attempt, the ball just bounced from the side of the ring.

Second attempt was epic. Napangiwi na nga lang ako nang tumalbog ang bola at kamuntikan nang matamaan ang batang naglalaro sa gilid ko.

Time is running pero wala na akong pakialam at kinuha ang pangatlong bola.

Last na talaga, 'pag ito hindi pa talaga pumasok sa ring, I'll stop this bullsh*t.

Umatras muna ako at tsaka hinagis ang bola papunta sa ring.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon