"Huy, ate Abby?"Mahinang tapik ang naramdaman ko kaya naman nilingon ko ito at nakita si Coleen.
"Bakit?" tanong ko.
Tumingin muna ito sa direksyon nina Sela tsaka ako bahagyang inakbayan, habang ako naman ay napatigil sa pagche-check ng mga pagkain para sa birthday party ni Liam.
"Uhm, hindi mo ba... I mean, nakapag-usap manlang ba kayo ni ate S-Sela?"
"By the way, pasensya na rin pala kanina, ate Abby. Nadala lang siguro ako ng inis. Hindi ko naman sinasadyang magsalita ng gano'n." she added.
I tilted my head to look at her and she seems to be sincere in what she's saying.
Napabuntong-hininga na lang ako bago sumagot, "Don't mind it. Tsaka hindi ka naman dapat sa akin mag-sorry. But anyway, to answer your question, nope. We didn't have a chance to have a proper talk. Biglang dumating 'yung asungot niyang–asungot niyang–..b-boyfriend." I can't help but roll my eyes at the scene a while ago.
"What? Seryoso ba, ate?" rinig na rinig ko sa boses ni Coleen ang pagkainis at dismaya.
Syempre naman. Sino ba namang hindi maiinis kung 'yung chance mo na makausap 'yung taong mahal mo e nawala pa dahil lang sa may biglang dumating na asungot. Konti na lang talaga mapagkakamalan ko nang may lahing kabute 'yung pamilya nu'ng Justin na 'yun eh.
"Hay.. Hayaan mo na. Hindi na rin naman ako umaasa na m-magiging maayos pa ang lahat samin ni Sela. Tanggap ko na, tanggap ko na." hinawakan ko ang kamay ni Coco na kasalukuyang nasa aking balikat at binigyan siya ng malungkot na ngiti.
"Everything will be okay, ate..." pagpapagaan nito sa nararamdaman ko.
Napadako naman ang mga mata ko sa lalaking sumira ng lahat at sa braso nito na kasalukuyang nasa balikat ng babaeng mahal ko.
I smiled in bitterness, "Sana nga Coleen. Sana nga."
---
"Yey!!! Happy Birthday Liam!!!" sigaw ng mga bata dito sa playground ng orphanage kung saan kasalukuyang ginaganap ang kaarawan ni Liam.
He just finished blowing his candle with my help, of course. Maliit pa si Liam at hindi niya abot ang ibabaw ng lamesa kung saan nakapatong ang cake nito kaya naman binuhat ko pa ito at tinulungan na ring hipan ang kaniyang kandila.
Ngayon ay kasalukuyan itong buhat-buhat ni Sela at andoon sila sa table ng family niya kasama syempre 'yung mag-amang asungot.
Bakit mag-ama? Natural, kung anong bunga paniguradong ganu'n din ang puno. Kanina ko pa kasi napapansin na madalas sensyasan nitong tatay ni Justin itong anak niya na puntahan si Marsela kung nasa'n pa man siya. Kaya ayun, ni hindi ko manlang magawang malapitan si Sela nang hindi siya nag-iisa dahil laging nakabuntot at nakadikit sa kaniya nang parang linta 'yung mukhang baklang Justin na 'yan.
Hays. Bahala sila. At this point, I don't even care. Birthday ni Liam, siya ang priority ko ngayon at hindi muna ang puso ko. After all, mukhang hindi rin naman kami magkakaayos na.
"Abby, huy!"
Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin dahil sa gulat, "Jusko naman Brei! Aatakihin ako sa puso sa inyo eh. Ano ba 'yun?" tanong ko.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Amy sa tabi ni Brei kaya sinamaan ko siya ng tingin na nagpatahimik naman sa kaniya.
I started walking to get foods from the catering and the two just followed behind me, probably to get their food as well.
BINABASA MO ANG
Spiking My Heart To Yours
FanfictionA bully Team Captain and a strict Vice President. Two adjectives that just don't blend. [TAGLISH] Date Started: April 21, 2020 Date Ended: April 21, 2021