Abby's POVKriing!! Kriing!!
"Urgh.." nagising ako sa tunog ng alarm clock.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag na nangmumula sa sikat ng araw sa labas ng aking bintana.
I can't think straight because my head is killing me but I know I need to make a move. I checked my body underneath the comforter and sighed when I realized I am still wearing my sports bra and boxer short.
Nag-unat muna ako bago dahan-dahang umupo sa kama. Habang hawak-hawak ang aking sentido ay tumingin ako sa aking study table upang malaman kung anong oras na.
8:15 am.
Maaga pa pala eh. Hindi pa naman ako male-----wait, what? It's now freaking 8:15 am?! OMG.
I'm fifteen minutes late on my first period! Shit. Although, PE ang aking first subject, alam naman ng lahat na strikto ang Prof namin doon at hindi mo gugustuhing ma-late kung siya ang first period mo.
But in my case, hayst! Inom pa, Abby.
Dahil sa pag-mamadali ay parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko at dali-daling tumakbo papuntang cr.
And after how many years ay natapos din ako at dali-daling kinuha ang susi ng Ducati sa ibabaw ng aking study table at nag-mamadaling bumaba.
Pagbaba ko naman mula sa kwarto ay nakita ko naman sina manang na nag-lilinis sa living room.
"Oh, Abelaine.. Nagmamadali ka ba iha? Hindi ka ba muna kakain?" tanong sa akin ni yaya flor nang makita ako nitong pababa ng hagdan.
Isa ito sa aming mga kasambahay pero siya ang pinakamatagal na dito dahil mula bata pa lamang kami, ay siya na ang nag-aalaga sa amin tuwing busy sina mom and dad sa trabaho. Parang nanay na nga talaga ang turing ko rito.
"Hindi na po. Sige na manang, una na po ako, late na 'ko eh. Bye!" I half-shouted when I reached our garage.
---
I'm now on the way to the university and it's now 8:40 am. Twenty minutes pa at makakaabot pa ako sa first sub.
Habang nasa byahe naman ay hindi ko parin maiwasang isipin 'yung nangyari kahapon. Hay..
Flashback
"Abby!"
"Ate!"
"Mars!"
Wala sa sariling ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon ng mga tumatawag sa pangalan ko.
Sa boses pa lamang ay kilala ko na ang mga ito ngunit ang makita ko pa mismo sila ngayon ay mas ikinadagdag lamang ng sakit ng ulo ko.
I drank the remaining alcohol inside the glass and instantly winced when the bitterness lingers on my throat.
"Abby, okay ka lang?" Brei's the first one to ask.
Kahit gaano pa kalakas ang tugtog dito sa loob ng bar ay naririnig ko pa rin ang nag-aalalang tanong ng mga kaibigan ko.
"Ano ba kasing nangyari?" Sheki added.
Hindi ko nga lang ito pinansin at patuloy pa rin sa pag-lagok ng baso ng alak mula sa kamay ko.
Medyo may kalakihan ang table kung nasaan ako kaya umupo sila sa tabi ko at sa harapan ko.
They are all staring at me like I am completely mess and I can't even get my mouth to speak and explain myself to them.
"Ate, ano ba talagang nangyari?" Now, Coleen asked me. This time, tumingin na ako sa kanya.
Nang mag-tama ang aming mga mata ay doon pa lamang, tumulo na ang luhang kanina pa gustong-gustong kumawala sa mga mata ko.
Kasabay din ng patuloy na pagtulo ng aking mga luha ay ang pagkwento ko sa kanila sa nangyari.
End Of Flashback
Pagkapark ko ng aking motor sa parking lot ng school ay dali-dali akong bumaba at patakbong pumunta sa building kung saan located ang room ko.
Sige Abby, takbo lang!
Nang makarating ako sa building ng room ko ay dali-dali akong umakyat ng hagdan. Kung hindi ba naman ako minamalas at sa 3rd floor pa ang room ko.
After a decade of walking, I reached my room and hesitated for a while whether to enter or not.
Sumilip muna ako sa at kaagad nakita ng mga mata ko sina Gabb. Magkatabi sila sa isang row nila Coleen at nasa likuran naman ng mga ito sina Alice at....Sela?!
Shit, nakakahiya naman kung masermonan pa ako sa harapan nila lalong-lalo na sa harapan ni Marsela.
When I checked my wristwatch and it's s already 8:50, I set aside my embarrassment and get myself inside.
Baka lalong masira ang reputasyon ko kung hindi ako tutuloy at aabsent nanaman. Ghad, man up Abelaine!
Wait, 'man' and 'Abelaine' don't sound right, huh. Aysh, nevermind.
Napag-desisyunan kong sa likod na lang dumaan since busy naman si Sir sa pag-didiscuss, baka hindi niya ako mapansin.
"And where do you think you're going, Miss Trinidad?"
Akala ko lang pala.
Tumayo ako mula sa aking pagkakayuko at alanganing ngumiti kay Sir Jigs. Cute ng pangalan 'di ba. His name really suits his weight, char.
"N-Nag-sestretching lang Sir! Medyo masakit po kasi 'yung likod ko kaya medyo yumuyuko ako...gano'n..." pag-dadahilan ko habang yumuyuko at nag-uunat.
I noticed on my peripheral vision the surprise faces of my teammates and friends but I don't have the time to explain why I am late so instead of joining them, I faced our Professor.
"Tsk, come here." I gulped when he asks me to go in front.
Sumunod naman ako pero mas ginalingan ko pa ang acting ko para mapaniwala ko ito, "Medyo may nararamdaman din nga po ako sa braso ko eh.." I flexed my biceps in front of them and massage it after to make my acting believable.
Natatawa ang iba kong kaklase sa pinag-gagagawa ko pero wala na 'kong pakialam.
At habang papalapit nga ako nang papalapit dito ay naririnig ko naman ang mahinang pigil na tawa ng mga siraulo kong kaibigan kaya nang mapadaan ako sa row nila ay umacting ulit ako.
"Ang sakit din ng paa ko Sir eh. Parang kulang sa exercise..." pagkatapos kong sabihin iyon ay pasimple kong tinadyakan ang upuan ni Ecka.
"Aww..!"
At dahil katabi nito ang iba sa row ay naramdaman din ng mga ito ang lakas ng tadyak ko kaya kamuntingan nang matumba ang mga gunggong.
I looked at Sir Jigs and fortunately, he didn't saw what happened 'cause he's fixing his things, ready to go, I think.
Nag-pasalamat naman ako kay Lord sa isip ko dahil tingin ko'y hindi na ako bibigyan ng punishment nito 'cause it's almost time.
Kriing!! Kriing!!
"'Yun oh!"
"Yahoooo!"
"Goodbye, Sir!"
Sigaw ng mga blockmates ko nang marinig namin ang bell. Hay, salamat.
Nang aktong lalapitan na sana ako nila Sheki, natigil naman kami sa aming kinatatayuan nang biglang mag-salita ang Prof.
"50 push-ups and I'll be watching you."
BINABASA MO ANG
Spiking My Heart To Yours
FanfictionA bully Team Captain and a strict Vice President. Two adjectives that just don't blend. [TAGLISH] Date Started: April 21, 2020 Date Ended: April 21, 2021