Chapter 15

1.6K 101 0
                                    


Coleen's POV

Nakarating din kami sa lugar na sinasabi ni ate Sela. It's 9 o'clock already at masarap pa rin ang simoy ng hangin sa byahe.

Nauna kaming makarating ni Mari sa kanila rito dahil nauna naman talaga kaming umalis sa kanila.

Huminto kami sa isang malaking gate. "Kaya mo?" I asked the girl at my back.

"Oum.." safe naman itong nakababa kaya ini-stand ko na ang motor ko at bumaba na rin.

Pareho kaming napatingin sa itaas na parte ng gate. Malaki ang nakasulat dito na tiyak makaka-agaw agad ng iyong pansin kung iyong madaanan.

Home For Love

Mari and I both looked at each other while having the same thought in minds.

Maya-maya pa'y narinig na namin ang isang ugong ng motorsiklo kaya naman napalingon kami sa likod at nakita namin sina ate Abby na kararating lang.

They both got out of ate Abby's bike and went in front of us.

"Home for love..." basa ni ate Abby sa gate na nasa aming harapan.

"Anong meron dito, ate?" I asked ate Sela 'cause we don't have any idea where are we right now.

"You'll see." ngumiti lamang ito at lumapit sa gilid ng gate at pinindot ang doorbell.

Pagkabukas na pagkabukas ng maliit na gate ay siya namang paglitaw ng isang madreng abot tenga ang ngiti habang nakatingin sa amin.

"Ikaw pala 'yan ineng, Marsela. Hala sige, tuloy kayo mga anak. Papasukin mo iyang mga kasama mo. Everybody's welcome here..."

Pagkatapos ng kanilang yakapan ay pinapasok na nga kami nito sa loob.

Malawak dito sa loob at iba't-ibang kwarto ang aming nadaanan nang maglakad kami sa hallway ng building.

Masasabi mong lumang establisyemento na ito ngunit mawawari mo namang ito'y patuloy na inaalagaan at hindi pinapabayaan.

Makintab ang sahig at puno ng makukulay na artworks ang mga dingding at pader. Sa isang tingin ay malalaman mo na agad na mga bata ang may gawa ng mga ito.

Napangiti naman ako sa naisip ko.

"So, dito ang sleeping area ng mga bata. Of course, dito sila natutulog o nagpapahinga if it's time for them to rest."

We looked at the room where ate Sela's pointing her index finger and it's full of double decks. Marami nga sigurong batang inaalagaan ang orphanage na ito.

Pinakita niya rin sa amin ang iba pang rooms ng kids at wala ka namang ibang makikita kundi puro makukulay na artworks ng mga bata.

Nakabalik na rin ang madre kanina dahil nagpaalam itong ipaghahanda muna kami ng maiinom.



Sela's POV

"Siguro nagtataka kayo kung anong ginagawa natin dito at bakit ko kayo dinala dito. Well..."

Nakaupo na kami sa living room ng orphanage and they asked me again the question they really wanted me to answer since we got here.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon