Chapter 4

1.9K 109 18
                                    


"Pst."

"Psst!" nilingon ko si Sheki sa likod at sinamaan ito ng tingin.

Unfortunately, blockmates kami ngayon ni gunggong.

"What?" mahina lang ang tanong ko dahil baka mahuli kami ng Prof. Yeah, you heard it right. I'm trying to be good here. Lol

She just smiled at me sweetly at may binatong papel papunta sa pwesto ko.

I saw a crumpled paper beside my shoes kaya kinuha ko ito at binuksan.

Tumambad naman sa akin ang pangit na penmanship ni Shekinah.

Kamusta? Ganap kagabi sa inyo ni Vice? Yieeee!

Nag-reply naman ako bago itapon pabalik sa kanya ang papel.

Nothing.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong tumama sa ulo ko so I glared at the culprit before reading her reply.

Nothing daw. Sus! Ano nga? Chika mo na yan! Pabebe ka pa ih.

Magrereply na sana ako nang biglang—

"Miss Trinidad!" napaharap ako sa prof sa harap at kitang-kita kong inis itong nakatingin sa akin.

I slowly stand up pero bago 'yon ay sinamaan ko muna ng tingin itong si bonita na nagkunwari namang seryosong nakikinig kay Sir.

"S-Sir?"

"Kanina pa 'ko putak nang putak dito, hindi ka naman pala nakikinig and just doing things on your own?!" natahimik ang buong klase dahil sa boses nito.

Sasagutin ko na sana ito ngunit nagsalita pa ulit ito.

"You see what's on the board? Sagutan mo 'yan tutal magaling ka na 'di ba!" I gulped and looked at the board.

Hmm.. good thing, basic.

I went to the front and start to solve the given problem by Sir.



Sheki's POV

Nakatingin lang kami sa likuran ni Abby habang nagsosolve ito.

Well, matalino naman 'tong Trinidad na 'to eh. Tsaka captain nga namin sa team 'yan 'di ba? Ewan ko ba, 'yung personalities niya lang yata ang problema.

Napaka-bipolar eh. Sometimes, she's in guidance for bullying someone, tapos sa training when she's not in the mood, bigla-bigla na lang magpapa-fifty push ups, teh! Hustisya naman.

That's why I'm pestering her a while ago kung ano na bang nangyari sa kanila ni Sela. Pero nothing daw. Sus.

Nakita kong bumalik na sa upuan si Abby at nagsalita naman 'tong panot na professor namin.

"Hmm, mukhang nakinig ka naman kahit papa'no because of your answer. Next time I don't want this to happen again, understood miss Trinidad?" mataray na tanong nito.

"Yes, sir."

May sasabihin pa yata si sir kaya nga lang ay nag-ring na ang bell.

"Class dismissed." nilapitan ko naman si Abby at tinawanan ito.

"Hahaha! Muntik na 'ko ro'n ah." pang-aasar ko dito. She just scoffed and glared at me. I laughed harder at this.

"Tsk, papahamak mo pa 'ko eh. Du'n ka nga!" asar na taboy sa'kin nito.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon