TOEY'S POV
T
akbo Toey! Hingal na hingal parin ako pero patuloy parin na ako sa pagtakbo. Bwiset kasi si Ohm. Hindi ako ginising eh. Nasa iisang kumpanya lang naman kami.
"Mr. Toey. Huminto ka nga saglit." Sigaw ng Head ng English Faculty nang makadaan ako sa harapan niya.
Huminto ako tapos humingi ng sorry sa kaniya. Hindi na ako nagpaliwanag kumaripas ulit ako ng takbo.
TAKBOOOOOO!
Pagdating ko sa harap ng meeting room eh kinalma ko muna yung sarili ko.
Nagpabango ako tapos pumasok na ako sa meeting room.
"Good morning. Sorry na-late ako. May tukmol kasing hindi gumising sa akin" sabi ko sabay tingin ng masama sa may-ari ng Grandalfield University.
Natawa siya.
"Naku, James Ohm Ramos, mamaya ka lang talaga sa akin pag-uwi natin, nanggigil ako sayo, naku" sabi ko habang papunta ako sa upuan ko.
Nagsitawanan naman ang mga nakaupong empleyado.
Tapos sinimulan na ni Ohm ang meeting.
~××~
Ang sama ng tingin ko kay Ohm habang paalis na yung mga teacher.
Nang kami nalang eh huminga muna ako ng malalim.
"JAMES OHM RAMOS!" naha-highblood talaga ako sa kaniya eh.
Alam niyang mga hawak kong teacher ang kameeting namin eh hindi man lang ako ginising.
Business talaga kasi course ko nung 1st year college pero nagshift ako sa educ nung 2nd year na.
Lumapit siya sa inuupuan ko habang tawa lang ng tawa.
"Hindi mo ba naalala Bebe ko. Sabi mo mauna na ako" napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.
"Hoy, wala kang ebidensya. Tsaka bakit ko naman sasabihin yon? Alam mong sabay tayong pumapasok" sabi ko.
Nagpipindot siya sa phone niya tapos may pinakita sa aking video.
Video ko habang tulog tapos ginigising niya ako.
"Bebe ko, gising na, may meeting pa tayo" sabi no Ohm sa video.
Hindi ako sumasagot sa video.
"Bebe ko, gising na" sabi pa ni Ohm.
"Hmmm, natutulog pa ako eh, mauna ka na" sabi ko sa kaniya sa video.
"Okay, sabi mo eh, madali naman ako kausap" sabi ni Ohm tapos natapos na yung video.
Tumingin ako sa kaniya ng masama.
"Bakit hindi mo ko pinilit gisingin?" tanong ko.
"Eh masunurin ako sa asawa ko, ano ka ba" sabi pa ni Ohm.
"Alam mo ba kung anong ibigsabihin ko nun? Ibigsabihin nun gisingin mo ko ng gisingin" pagmamaktol ko.
"Hahahahahahahahahaha, dinaig mo pa mga naging ex-girlfriend ko. Ilang taon na tayong magkasama ngayon ka lang nagganyan. Hahaha" tawa parin siya ng tawa.
"Hoy, wag ko ko itulad sa mga naging babae mo. Wala akong matres" pagalit kong sabi.
"Hahaha yun na nga eh, wala kang matres pero dinaig mo pa silang may mga matres" sabi niya. Napaisip ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...