RALPH'S POV
"Patricia, samahan mo nga ako" sabi ko.
"Hooyy, wag ako marupok ako" sabi niya.
Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.
"Lokoloko, puntahan natin si Ice" sabi ko.
"Eh bakit hindi nalang 'tong kapatid niya ang sumama sayo?" tanong pa niya tapos sabay turo kay kuya Land.
"Sasama ka o sasamaka? Tara na" sabi ko, tapos hinila ko siya.
"Wait lang huy ano ba" sabi niya.
"Hoy teka sama ako, bitawan mo si Patricia" sabi ni James, binitawan ko naman si Patricia.
Dumiretso kami ng canteen.
"Huy ano ba bitawan mo nga ako" narinig ko yung boses ni Ice.
Sh*t.
First day na first day ng school eh gulo agad inabot ng mokong na 'to.
Lumapit kaming tatlo tapos hiniwalay namin si Ice kay Jane.
"Hey you faggot, akin na siya" sabi ni Jane.
Huy, first time kong matawag na faggot.
Haha complement yun mga brad. Hahaha.
"Hahaha, tingin mo maaasar si Ralph sa tinawag mo sa kaniya?" sabi ni Patricia.
Tapos nag-apir kaming dalawa.
"Haha complement pa nga sa akin na tinawag akong faggot eh" sabi ko.
"Haha nakakatawa ka. Do you think na hahayaan ng school na may mga baklang katulad mo dito?" tanong ni Jane.
"Homophobic alert!!" sabi naman ng isa pang estudyante.
"Boooooohh!!!" sabi ng mga estudyante sa sinabi niya
"At bakit naman hindi? Eh pamangkin siya ng may-ari ng school" sabi ni Patricia.
Natutuwa ako sa sagutan nila.
Haha ngayon ko nalang ulit nakitang mag maldita 'tong si Patricia.
"Oh ano, edi natahimik ka? Haha wag kang mag maganda lalo na't di ka naman maganda" sabi ni Patricia.
Tawanan naman ang mga tao.
"Oo nga kala mo kung sinong maganda" sabi ng isang estudyante.
"Alam mo ang pasmado ng bibig mo noh" sabi ni Jane.
"I know, at least bibig ko lang pasmado, kesa naman sa pagkatao mo. Mula ulo hanggang paa pasmado" tawa ng tawa lahat ng nasa canteen.
Hahaha. Hindi ko ba nasabi sa inyo na noong kami pa niyang si Patricia eh lahat ng lumalapit sa aking babae eh umuuwing luhaan.
Haha.
"Hello, Tita, May nanggugulo kasi dito sa canteen, kasection ko siya...Jane Hernandez po...sige po...Thank you Tita" sabi ni James.
Kapatid yata ni Tita Lanie(mama ni James) ang kausap niya.
"Nabili mo ba yung yakult?" tanong ko kay Ice.
"Halah oo nga, eto kasing babaeng 'to pumulupot sa akin eh" sabi ni Ice.
Inakbayan ko si Ice. "Tara bili tayo" sabi ko.
Paalis na kami ng magsalita si James.
"Huy, iiwanan nyo si Patricia dito?" tanong ni James.
"Haha kaya niya yan, promise. Magtiwala ka sa kaniya" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...