RALPH'S POV
*KRIIIIIIIIINNGGG*
Sabay kaming nagising ni Ice dahil sa maingay na alarm clock namkn.
May tatlong oras pa kami para mag-asikaso ni Ice. First day kasi namin ngayon as First Year College.
9:00 am pa kasi yung first class namin.
Nagluto si Ice ng almusal naming dalawa. Tapos ako naman eh naligo muna.
Pagkatapos kong maligo eh naligo na din siya. Nagsando na ako at nagpantalon. Tapos dumiretso ako sa lamesa.
Nagfacebook muna ako at nanood ng videos sa youtube. Hinihintay kong matapos sa pagligo niya kasi gusto namin eh sabay kaming dalawa mag almusal.
Kachat ko si ate Sheen kasi nagpapasundo siya kay Kuya Wind pero hindi niya macontact si kuya.
Biglang nagpop-up sa screen ng phone ko yung tawag ni Mama.
Sinagot ko yung tawag niya.
"Good morning Ma" bati ko sa kaniya.
"Good morning din, first day of school nyo ngayon diba?" tanong ni Mama sa kabilang linya.
"Opo, kakatapos ko lang maligo, si Ice po naliligo na" sagot ko.
"May maitutulong ba ako? Pwede kong sabihan yung tito mo na iassist kayo" sabi ni Mama.
"No need na Ma. Dadaan nalang kami sa opisina ni Tito Ronald" sabi ko.
"Ganun ba, sige. Ingat kayo ha, pag may kailangan kayo jan sa condo text nyo lang ako." sabi ni Mama.
"Opo ma" sabi ko.
"Good morning Ma'am, pinatawag nyo daw po ako?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya kay Mama.
"Oh, Wind, wait lang kausap ko pa si Ralph" sabi ni Mama.
"Ma, pakausap ako kay Kuya Wind" sabi ko.
"Ah sige, wait lang" -Mama.
"Hello, oh Ralph" - Kuya Wind.
"Kuya, nagmessage pala sa akin si Ate Sheen sunduin mo daw siya, hindi ka daw niya macontact eh" sabi ko.
"Ah sige sige, salamat tatawag nalang ako sa kaniya. Si Ice nasaan?" tanong niya.
"Nasa CR pa po" sagot ko
"Ah sige, ingat kayo ha, umuwi kayo sa sabado, birthday ni Mama" sabi ni Kuya Wind.
"Sige po, sige na po baka may pag-uusapan pa kayo ni Mama" sabi ko kay Kuya Wind.
Maya-maya eh natapos na sa pagligo si Ice. Nagbihis muna siya tapos sinabayan niya ako kumain.
"Oo nga pala, pagdating natin mamaya sa school daan muna tayo kay Tito Ronald" sabi ko tapos ngumiti siya.
Yung may-ari kasi ng school eh Tito ko, kapatid ni Mama.
Dumating naman si Kuya Land tsaka si Joey.
Mga loko-loko, hindi nagluluto ng almusal nila tapos dito sa amin kakain.
8:00 am eh nakarating na kami sa school.
"Nasaan na ba yung mag-asawa?" tanong ni Joey.
"Nandito na kami" napalingon kami sa kanan namin.
Sakto kakarating lang din nila.
"Tara na, punta muna tayo kay Tito Ronald. Pagpasok namin ng opisina na umupo kami sa sofa.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
Roman d'amourAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...