Isang linggo na matapos magkilala ni Mama ang mga kuya ni Ice. Napakasaya ko nung araw na yun. Dahil pinaalam namin ni Ice na M.U kami ni Ice.
Natawa pa nga sila kasi bakit daw M.U. dapat daw maging official couple na kami. Pero sabi ko eh tsaka na kasi gusto ko yung mga ginagawang panliligaw ni Ice.
Minsan tinutulungan niya ako sa Math, matalino naman kasi ako kaso nabobobo ako pagdating sa Math.
Minsan pa nga eh nagugulat nalang ako kasi poposasan niya ang kaliwang kamay ko sa bakal ng bintana tapos iiwanan niya ako. Kasi bibilhan niya ako ng pagkain.
Haha baliw talaga yun. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yung posas na yun eh.
Haha nakahinga nga ako ng maluwag ng na-confiscate yung posas.
Tatlong linggo na rin ang lumipas simula nung nakilala ko siya at kinulit kulit ako.
"Ralph, pakopya nga ng sinulat nyo sa History" sabi ni Mike.
Binigay ko naman yung notes ko. Natutunan ko na din magsulat ng mga sinusulat sa blackboard dahil kay Ice.
"Kamusta pala kayo ni Ice?" tanong ni Joey.
"Maayos naman" sabi ko.
"Hindi ka ba natatakot na baka ayaw ng Daddy mo at ng parents niya ang tungkol sa inyong dalawa?" tanong ni Mike.
"Oo nga, since hindi mo pa nakikilala ang magulang ni Ice. Sabi mo nga diba mukhang masungit yung Mama niya dahil sa pamamaraan ng pananalita niya nung sinundan mo si Ice" sabi pa ni Joey.
Buti nalang may mga ganito akong kaibigan, concern sila sa akin.
"Natatakot syempre, pero ipaglalaban ko siya, ganun naman dapat ang gawin ko diba since lalaki pa rin ako responsibilidad ko yun" sabi ko sa kanila.
Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito kaseryoso.
"Brad may paparating" sabi ni Joey. Nang tignan namin kung sino ay si Ice pala tsaka si Kuya Land.
"Oh napapunta kayo dito?" tanong ko. Oo nga pala nasa gym kami.
"Gusto kasing magbasketball ni Kuya Land" sabi ni Ice.
"Pwede ba? kaso hindi ako marunong eh pwedeng turuan nyo ko?" tanong ni Kuya Land.
Tumingin kami kay Mike, kaso kinokopya niya yung notes ko.
"Ako na lang, tara brad turuan kita" sabi ni Joey.
Napangiti si Kuya Land.
Tapos kinuha ni Joey yung bola tsaka sila dumiretso sa court.
"Ah eh labas muna tayo Ralph may sasabihin sana ako" sabi niya sa akin. Pumayag naman ako.
Pagdating namin sa labas eh humarap siya sa akin.
May gusto din akong sabihin sa kaniya, gusto ko sanang mauna.
"Pwede ka ba mamaya?" nagulat ako kasi sabay kaming nagsalita at parehas pa yung sinabi namin.
Napangiti kaming dalawa.
"Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot mo since nagtatanong ka din" sabi ko.
"So paano? I'll pick you up around four" sabi niya pa. Ngumiti ako.
Alam na nga pala niya kung saan ang bahay namin kasi nung first time na nagkakilala si Mama tsaka yung mga kuya ni Ice ay nagdinner kami sa bahay.
"Haha sige, paano uwi na ako mag-aasikaso pa ako eh" sabi ko. Ngumiti naman siya.
Niyakap ko siya tsaka ako umalis. Hindi ako makapaniwala na parehas naming gusto na magdate kami. Napakalaki ng ngiti ko habang papauwi ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...