Book 2 Chapter 6

988 55 5
                                    

Happy 11,000+ reads!!

Dahil bitin ako sa Untamed na Chinese Drama at expected ko na hindi sila magkakatuluyan at magiging magbestfriend lang sila dahil bawal ang bl sa Chinese TV eh sinipag ako magpost. Hehe.

* * *

RALPH'S POV


AUGUST 24, THURSDAY

Hikab.

Punas ng mata gamit ang palad.

Unat.

Hikab ulit.

Kinapa-kapa ko yung kama at hindi ko makapa yung tabi ko sa pagtulog. Kaya napamulat ako ng mata.

Tama ako wala wala si Ice. 

Tumingala ako sa kisame.

Napangiti ako nang makakita ako ng mga lobo na may nakasabit na mga picture namin.

Napaupo ako sa kama at pinagmasdan ang mga lobo.

Napangiti ako ng sobra. Hindi ko akalain na ganito ang makikita ko pagkagising na pagkagising ko.

Pero mas lalo akong napangiti nang makita ko ng maraming electric candle na nakahelera ng dalawa at sa gitna noon ay mga petals ng sunflower papunta ng labas ng kwarto.

Teka bakit sunflower?

Kakaiba ito ha. Ang ginagamit kasi sa mga ganito ay yung petals ng red rose.

Eh bakit sunflower kay Ice?

Haha. Eh bakit ba ako nagrereklamo eh ako na nga ang sinorpresa? Haha.

Tumayo na ako at nilapitan ko lahat ng mga pictures na nakasabit sa mga lobo.

Naluluha na ako nang napagdesisyunan kong sundan yung mga electric candle at petals ng bulaklak.

Dahan dahan akong lumabas baka kasi gulatin ako ni Ice eh.

Nung first anniversary kasi namin eh pinrank niya ako. Grabe! Nagising ako sa kwarto ko dahil sa kaniya. Biruin mo. Batiin ka ng Happy Anniversary nang naka mic at speaker tapos kulob ang kwarto tapos pasigaw niyang sinasabi yun.

Sumakit talaga tenga ko nun. Hahaha. Pero bumawi naman siya sa akin nung hapon.

Nung 2ng anniversary naman namin eh bumawi ako. Ang himbing ng tulog niya. The day before ng anniversary namin eh bumili ako ng airbed. Nung araw ng anniversary namin eh sobrang himbing ng tulog niya nang mga alas sais ng umaga. Tapos pinalobo ko yung airbed tsaka nilagay sa swimming pool namin. Dinala namin si Ice don tapos pinahiga namin sa airbed na nakalutang sa swimming pool.

Naligo kami sa pool, tapos may pinaamoy kami sa kaniya para magising.. 

Tawang-tawa kami sa reaskyon niya eh.

Back to the present. Dahan dahan akong naglalakad papuntang sala.

Hanggang sa makakita ako ng isang lamesa sa gitna ng sala. May tablesheet na pula at may upuan na nakabalot din sa pula.

Dahan-dahan ako umupo doon tapos biglang tumunog ang speaker.

~Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes

Habang dinadama ko yung Make it with you na kanta eh nakita kong lumabas si Ice galing sa Cr.

Bakit galing siya sa CR?

Tapos, natawa ako sa suot niya.

~Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you
I really think that we could make it, girl

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon