CHAPTER 3

3.8K 150 11
                                    

Napalayo ako sa taong namisil ng puwet ko.

"Ano ba, bakit mo ba ginagawa yun?!" pagalit kong tanong.

"Ang lambot ng puwet mo eh" sagot niya.

"Bakit ka pala nandito? Haha sinusundan mo ko noh?" tanong niya sa akin.

Tapos bigla niya akong hinatak. Hindi man lang niya ko hinintay na magsalita.

Pumasok kami sa right side na katabi ng malaking bahay. Malaki din naman ang bahay niya. Sakto lang para sa kaniya.

Pagpasok namin eh nagulat ako kasi sobrang luwag ng loob tapos black ang white pa yung theme. ganitong ganito yung gusto kong design sa kwarto ko. Lalaking-lalaki kasi talaga tignan.

Naghanap ako ng gamit na pagsususpetsahan kong pambakla pero wala akong makita.

"Ano gusto mo inumin? Coffee, tea or Juice?" tanong niya.

"Ikaw --" hindi ko natapos sasabihin ko.

"sabi ko na ako gusto mo eh" sabi niya.

"wag kang assuming, ikaw bahala ang sasabihin ko" sabi ko sa kaniya. Patawa-tawa siya ng pumunta ng kusina na kitang kita mula sa sala. 

Nilibot ko ang mata ko. Hmm wala naman akong makitang kahina-hinala.

Legit Brad. Pinagtitripan nga ako ng lalaking 'to.

"Tao po!!" may tao sa labas.

Tumakbo si Ice.

"Oh Nilo, bakit?" tanong ni Ice.

"May raket tatayo mamaya" sabi nung lalaki.

"Sige punta nalang ako sa inyo mamaya Nilo, may bisita pa ako" sabi ni Ice.

Mukhang close na close ang dalawa. Kasi kung makipag usap siya dun sa lalaki parang ang tagal na nila magkakilala.

~tss. bakit ko ba sila pinakikialaman.

Palapit na sana ako ng pinto para lumabas. Nainip ako sa pag-uusap nila. Bigla naman silang nagpaalam sa isa't-isa.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Ice.

"Uuwi na, bakit? Oh eto pala yung cellphone mo naiwan mo sa opisina ni Mama" sabi ko sabay abot ko sa kaniya ng cellphone niya. 

"Selos ka no? Haha" nagkuliling ang tenga ko sa sinabi niya.

"At bakit ako magseselos. Ibabalik ko lang talag--" hindi ko napagpatuloy kasi may nakita akong dumaan sa labas ng bahay ni Ice.

Sumilip ako sa bintana.

Nakita ko ang ex-girlfriend kong kasama niyang naglalakad yung lalaki na yun.

May kulang ba sa akin para ipagpalit niya ako?

Sawa na ba siya sa ugali ko? 

Ayaw niya ba sakin dahil pasaway ako sa school?

"Sabi nga sa One More Chance, kaya siguro tayo iniiwan kasi baka may papalit na mas better" napatingin ako sa sinabi niya.

Naniniwala naman ako dun. 

Pero shit lang dapat sinabi niya sa akin hindi yung mahuhuli ko siya na may kasamang iba.

"Hayaan mo nandito ako. Manliligaw sayo kahit ayaw mo ^__^" sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niya. Haha.

"Bahala ka nga jan, Haha. Dito muna ako ah, wala ka bang kasama?" tanong ko sa kaniya.

"Haha wala, kung gusto mo dito ka na tumira eh live-in tayo." sabi pa niya.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon