ICE'S POV
NOVEMBER 26, SaturdayHinatid namin si Sib sa airport kasi pinapauwi daw siya ng Lola niya doon. Hindi namin alam kung hanggang kailan siya doon, sabi daw kasi ng Lola niya eh doon muna daw siya habang buhay ang Lola niya.
Si Seven naman eto nandito sa unit namin. Tulala at tuloy-tuloy ang tulo ng luha. Buti nga hindi siya humahagulgol eh.
"Sundan ko kaya siya don?" tanong niya.
"Ikaw bahala, pero syempre magpaalam ka muna sa magulang mo" sabi ni Ralph.
"Hindi ko kaya na malayo siya sa akin" sabi pa ni Seven.
Bigla siyang tumayo tapos nagmadaling lumabas ng unit.
"Haha. Go Seven!" pagchecheer ni Ralph kahit nakalabas na si Seven.
Tinawagan ko naman si Kuya Wind para sabihin sa kaniya na pupunta at susundan ni Seven si Sib sa Thailand.
Kinausap kasi ni Kuya Wind yung Head ng dati niyang school na pinagtuturuan sa Thailand na may magtatransfer na college student doon.
"Sigurado na ba si Seven?" tanong ni Kuya.
"Chachat kita kuya pag nakausap ko si Seven" sabi ko.
"Sige sige to para maitawag ko na doon, pakichat din pala si Sib sabihin mo need niya magreport sa school sa lunes" sabi ni Kuya.
"Sige po" sabi ko tapos pinatay ko na yung tawag.
Tinawagan ko naman si Seven.
"Nasaan ka?" tanong ko.
"Pauwi ng Caloocan" sabi niya. Narinig ko yung mga tunog ng sasakyan. Haha. Bilis naman nito makaalis.
"Ano bang balak mo?" tanong ko.
"Doon ako titira kasama si Sib, tapos doon na din ako mag-aaral" sagot niya.
"Sige, chat mo ko kapag pumayag na magulang mo, para masabi ko na kay Kuya at makatawag siya sa Phil-Thai University na pagtatransferan mo" sabi ko.
"Sige sige, salamat" sabi niya tapos pinatay na niya yung tawag.
Nakita ko namang tulala si Ralph. Kanina pa siya ganyan simula nung nagbreakfast kami.
"Uy, ano bang iniisip mo?" tanong ko sa kaniya.
"Haha wala baliw, iniisip ko lang si Sib at Seven. Isang pares nanaman ng magjowa ang hindi natin makakasama" sabi niya. Alam kong may ibang dahilan ang katahimikan niya.
"Okay lang yan, at least kaibigan parin natin sila. Part parin sila ng barkada natin" sabi ko.
"Kung sabagay nag-umpisa lang naman ang barkada natin noong tayong lima lang ni Kuya Land, Joey at Mike eh. Pero kahit na nakakalungkot parin" sabi pa ni Ralph.
"Haha, pwede naman nating silang puntahan kapag bakasyon kasama ang buong barkada" pagkasabi ko nun eh napatingin siya sa akin at nakangiti.
"Punta tayo sa bakasyon" sabi ni Ralph.
"Haha, sige ba, pero sa ngayon, alis muna ako ha" sabi ko sa kaniya.
Kinuha ko na yung bag at gitara ko tapos sinuot ko sa likod ko.
"Aalis ka nanaman?" tanong niya naman.
"Oo eh, sunod-sunod kasi ang gig namin kasi malapit nang magpasko" sabi ko tapos hindi naman siya nagsalita.
Umupo siya sa sofa tapos kinuha ang phone.
Pinagmasdan ko lang siya.
"Baka doon na ako umuwi kila Mama mamaya kasi masyado nang gabi pagbumyahe pa ako pauwi dito" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomansaAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...