Book 2 Chapter 1

1.6K 67 0
                                    

RALPH ROQUE'S POV

"RAAAALLLPHHH! TARA NA!" rinig kong sigaw ni Ice.

Nandito pa kasi ako sa CR ng condo namin.

"NANJAN NA EXCITED NAMAN KASI MASYADO!" sigaw ko.

Tinapos ko na yung ginagawa kong pagpapagwapo.

Tapos lumabas na ako ng CR.

"Bakit ba kasi excited ka masyado?" tanong ko sa kaniya.

"Haha, excited na ako bumili ng gamit natin para dito sa condo, hindi naman kasi pwedeng dalhin natin lahat ng gamit natin galing sa mga bahay natin" sabi niya.

Bumili kasi kami ni Ice ng condo na malapit sa university na papasukan namin. Malayo-layo kasi yung Grandalfield University sa bahay namin sa Caloocan, eh nasa Makati 'tong school namin.

Kaya napagdesisyunan namin na bumili ng condo.

"Ang tagal nyo naman, kanina pa kami naghihitay dito" sabi ni Joey.

Bumili din kasi sila ng condo ni Kuya Land. Katabi lang namin sila. 

"Eh si Ralph kasi eh nagpapogi pa ng sobra. Eh kahit di naman siya magpapogi ng sobra eh pogi na talaga siya sa paningin ko" napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oh siya wag ka nang kiligin jan, tara na" sabi ni Joey. 

Habang nasa mall kami eh kita namin yung mga mata ng mga tao. Hindi kami kilala dito sa lugar na'to kaya ganito nalang ang gulat ng mga tao nang makakita sila ng dalawang couple na parehas magka-holding hands.

"Yiiieeehh, anjan na sila" maligalig na sabi ni Lara.

Oo, dito na nakatira sa Manila yan, nagpakasal na kasi sila ni Mike noong nakaraang buwan since nasa legal age na sila.

Nakuha na namin kaninang umaga yung sched namin pati kung anong section. Swerte ko nga eh kasi magkaklase kami ni Lara, Mike at ni Joey bilang Educ Student

Yung magkapatid naman eh magkaklase din at kumuha sila ng Business.

Huminto si Kuya Land ng isang taon para makasabay niya kami sa first year .

"Maghunosdili ka nga Ma" pagpipigil ni Mike sa asawa niya.

"Ano ka ba Pa, ngayon ko nalang kasi ulit sila nakita eh" sabi ni Lara.

"Haha. Oo na sige na. Tara na kain na muna tayo" sabi ni Mike. Napangiti naman kaming apat.

Habang kumakain kami eh nagsalita si Mike.

"May ikukwento ako" sabi niya.

"Sige kwento mo lang" sabi ni Joey.

"Actually logic story 'to" sabi niya..

"Ang kwento ko ay tungkol sa isang babae, habang nasa burol sya ng kanyang ina ay may nakilala siyang guy na ngayon nya lang nakita. Napag-isip isip niya na ang lalaking ito ay ang nasa panaginip niya at siya ay umibig at tuluyang nahulog ang loob sa lalaki. makalipas ang ilang araw ay pinatay ng babae ang kaniyang kapatid na babae..ang tanong ko sa inyo ano ang motibo ng babae sa pagpatay niya sa kaniyang sariling kapatid na babae?" teka alam ko yung kwento na yun ah. Hahaha alam ko na trip nito ni Mike.

Pinahulaan kasi sa akin yun dati ni Mike nung elementary pa kami. Hindi pa namin kaklase nun si Joey kaya hindi niya alam yun.

"hmmm nag-away sila kaya napatay niya yung kapatid niya??" tanong ni Joey

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon