AUTHOR'S NOTE
Ang Special Chapter na ito ay tungkol kay Toey at James(Ohm). Alam ko na na nabasa nyo na ang Chapter 4 ng TCHS Book 2 at Chapter 10 ng My Mysterious Hidden Genius. At marami kayong katanungan sa relasyon ng dalawa. Actually etong Special Chapters ay matagal ko nang nagawa at dapat kasunod ng Book 2 Chapter 3 since naintroduce ko na sa inyo si Toey sa Chapter 3.
Enjoy reading..
* * *
TOEY'S POV
4 YEARS AGO
Kakarating ko lang dito sa school nang harangin ako ng mga kaschool mate ko.
Ako kasi yung tipo ng tao na aral lang talaga ang inaatupag at laging nasa library lang, kumbaga ang tawag nila sa akin eh NERD. Lagi akong kasali sa mga academic contest dito sa Francian Academy. Katunayan eh lagi kong nakakalaban yung apat na dati kong kaklase na sobrang tatalino at talagang genius. At syempre dahil matatalino sila eh lagi akong nasa 2nd place or 3rd place.
Nang dahil din sa pagiging nerd ko eh madalas akong nabubully ng mga kapwa ko estudyante. Hanggang sa magdesisyon ako na magpahuli ng enrol sa grade 9 at mapunta sa section 12.
Tinamad akong mag-aral kaya laging mababa ang mga scores ko sa mga quizzes at exams.
"Hoy, penge akong pera" sabi ng kaschoolmate ko na section 5. Hindi pa ako nakakasagot eh nakuha na niya yung wallet ko at kinuha niya lahat maliban sa isang bente pesos.
Paalis na sana siya nang pigilan siya ng isa pang estudyante. Taga section 1 at dati kong kaklase.
Si Ohm. Walang tumatawag sa kaniya sa pangalan na yan. Kaya ako lang ang tumatawag sa kaniya ng Ohm kahit na sa isip ko lang yun.
"Ibalik mo yang pera niya" sabi niya.
At dahil nga taga section 1 siya eh sinunod siya ng mga nambully sa akin.
"Sa susunod kasi matuto kang lumaban, tsaka bakit kasi napunta ka sa section 12?" tanong niya sa akin.
"Ah sige na, may klase pa ko" sabi niya.
"Ah Ohm!" tumigil siya dahil sa pagtawag ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin nang nakakunot ang noo.
"Anong tawag mo sa akin?" tanong niya.
"Ohm, diba yun naman pangalan mo?" sabi ko.
Ngumiti siya sa akin tapos lumapit siya sa akin.
"Simula ngayon, tawagin mo ko pag nabubully ka ha, Ikaw lang ang makakatawag sa akin ng Ohm" sabi niya. Ngumiti naman ako habang inayos ko yung salamin ko.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
Roman d'amourAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...